Advertisers

Advertisers

TEVES TIMBOG SA TIMOR-LESTE!

0 28

Advertisers

“NO one is above the law”

Ito ang tinuran ni Mayor Janice Degamo, asawa ng napaslang na dating Negros Oriental governor Roel Degamo, nang maaresto ang pinatalsik na congressman Arnulfo “Arnie” Teves sa Dili, Timor-Leste nitong Martes.

Binigyang-diin din ni Mayor Degamo na ang pag-aresto kay Teves ay pagpapakita ng kahalagahan ng interna-syonal na kooperasyon sa paglaban sa krimen.



“This arrest is a significant step toward justice, not only for our family, but for the people of Negros Oriental and the entire nation who were shaken by the horrific footage of my husband and 9 others being mercilessly gunned down on March 4th, 2023,” aniya sa isang pahayag sa Facebook.

“For over two years, our call has been clear and unwavering, that those responsible for this heinous crime must be held accountable, no matter how far they run or how long they hide.”dagdag pa ni Ma-yor Degamo.



Hinihintay na ngayon ng kampo ni Degamo ang pagsisimula ng mga legal na pro-seso upang mapanagot si Teves at ang kanyang mga kasamahan na iniuugnay sa “Teves Terrorist Group”.

Si Teves ang tinuturong mastermind sa pagpaslang kay Gov. Degamo at siyam na iba pa noong 2023.



Samantala, sinabi ng Department of Justice (DOJ) na matagal na silang handa sa extradition ni Teves matapos itong aprubahan ngunit ito ay biglang binawi ng nasabing bansa.

Bagaman ikinatuwa ng pamahalaan ang mga bagong pahayag ng Timor-Leste na nagsasabing hindi dapat manatili si Teves sa kanilang teritoryo, hinihintay pa rin ng Pilipinas ang pormal na dokumento ukol dito, kung siya ba ay ipade-deport bilang undocumented foreigner o ma-extradite alinsunod sa nakabinbing kahilingan.

Tiniyak ng pamahalaan na handa itong tumanggap ng kustodiya kay Teves sa lalong madaling panahon at determinado itong itaguyod ang hustisya sa ilalim ng batas at internasyonal na koopera-syon.(Jocelyn Domenden)