Advertisers

Advertisers

Pangatlo sa 4 ‘killers’ ng pulis-Maynila timbog

0 27

Advertisers

NADAKIP sa bisa ng arrest warrant ang ikatlo sa apat na akusado sa pagpatay sa isang pulis noong June 19, 2015.



Sa rekord ng Manila Police District (MPD), sampung taon nagtago sa batas ang akusado sa kasong pagpatay kay Police Officer 3 Ronald Leonardo.

Sa ulat, dating naka-assign si Leonardo bilang operatiba ng follow-up section ng MPD na dating Anti-Crime Unit.

Sa impormasyon, tinatrabaho ng operatiba ang grupo ng mga akusado na sangkot sa mga serye noon ng holdapan bukod pa sa pagkakasangkot sa illegal na droga at nakawan.

Gayunman, natunugan ito ng mga akusado kaya inaba-ngan si Leonardo habang pauwi sa kanilang bahay. Siya at nagtamo ng tama ng bala sa dibdib.

Ayon sa MPD, una nang naaresto noong 2017 ang da-lawa sa apat na akusado kabilang ang isa na itinurong gunman.

Itinanggi naman ng naarestong akusado ang krimen, nguni’t itinuro ang mastermind na si alyas Michael Flores.(Jocelyn Domenden)