Advertisers

Advertisers

3 litson sa sunog sa Bulacan

0 98

Advertisers

Halos malitson ang dalawang dalagita at isang batang lalaki, nang masunog ang kanilang bahay na yari sa light materials sa Purok 2 Brgy. Bambang sa bayan ng Bulakan, Bulacan 1:02 ng hapon nitong Biyernes.

Sa inisyal na report ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, nasawi sa sunog ang magkapatid na Hernandez na edad 15 at 16-anyos na dalagita, at isang batang lalaki na magdadalawang taong gulang.

Base sa paunang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, posibleng nagsimula ang sunog sa nag-apoy na electric fan, ayon ito sa naging pahayag ng dalawang bata na nakaligtas sa naturang sunog.



Nabatid na dalawang bahay ang naabo sa naturang sunog na idineklarang fireout ganap na 1:30 ng ngayong hapon.

Samantala, patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng BFP sa lugar.(Thony D. Arcenal)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">