Advertisers
Nais pang palawakin ng Deparment of Social Welafre and Development (DSWD) ang food stamp program nito matapos maging matagumpay ang isinagawang paglulunsad sa programa para sa mg mahihirap na pamilya sa bansa.
Sa ginawang pagbisita ni DSWD Sec. Rex Gatchalian sa Food Redemption area sa Tondo, Maynila, sinabi nito na ngayong taon ay magdaragdag sila ng bilang mg pamilya na isasailalim sa programa
Aniya, bukod sa naunang 300,000 na bilang ng pamilya, maisasama rin sa walang gutom program ang dagdag na 300,000 sa third o fourth quarter ng taon.
Bukod dito, isasama na rin ang nasa 150,000 sa susunod na taon para makumpleto ang target na 750,000 na pamilya sa ilalim ng programa.
Nabatd na ang pahayag ng DSWD hinggil sa tagumpay ng programa ay base na rin sa lumabas na resulta ng SWS survey na epektibo ito kaya’t nais palawakin.
Sinabi pa ng kalihim, nasa 900 retailers ang kanilang nakatuwang sa programa para makapag-avail ang mga benificiaries ng mga masusustansyang pagkain.(Jocelyn Domenden)