Advertisers

Advertisers

TEVES SWAK SA BILIBID!

0 18

Advertisers

INANUNSYO ng National Bureau of Investigation (NBI) na inilipat nitong Biyernes ng umaga si dating Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr. sa pasilidad ng NBI sa loob ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Si Teves, ang pinaghihinalaang utak sa pagpaslang kay dating Governor Roel Degamo at siyam na iba pa noong Marso 2023, ay dumating sa bansa Huwebes ng gabi nang ipa-deport mula Timor-Leste kungsaan siya humingi ng asylum.

Matapos dumaan sa booking at medical examination sa NBI Manila, iniharap muna si Teves sa media bago inilipat sa Building 14, isang pasilidad na ginagamit ng NBI pero hiwalay sa BuCor.

Inilipat si Teves sa BuCor facility dahil walang detention facility ang NBI sa opisina nito sa Maynila.

Pinuri naman ni Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Teves, si NBI Director Jaime Santiago sa ginawa nitong pagtrato kay Teves.

Aniya, tinanggap ng direktor ang kampo ni Teves, binigyang karapatan ito at hinayaang makausap ng matagal ang dating mambabatas.

Mariin namang itinanggi ni Teves ang mga akusasyon laban sa kanya.