Advertisers

Advertisers

Agrarian Reform Beneficiary sa Batangas, nagpasaklolo sa CA

0 95

Advertisers

Naghain ng petisyon ang mga Agrarian Reform Beneficiary (ARB) ng Nasugbu, Batangas sa tanggapan ng Court of Appeals (CA) nitong Biyernes ng hapon, Mayo 30, 2025.

Kabilang sa mga petitioners na nagtungo sa CA sina Maria B. Gomez, Valerio H. Costelo, Felicisimo U. Buenviaje, Antonio D. Delos Angeles, Gabriel DM Penano, Juan L. Esguerra, Gregorio C. Caisip, Benigno Garcia, Felia Avinante, Romana V. Dela Cuesta, Kristine Jessa V. Mercado at Kristine Juvy V. Mercado.

Ayon sa tumatayong abogado ng mga petitioners na si Atty. Irvy C. Longno, na nagsumite sila ng petisyon upang mag-isyu ang CA ng Temporary Restraining Order (TRO) at Writ of Preliminary Injuction at utusan maipawalang-bisa ang consolidated order na inisyu ng Department of Agrarian Reform (DAR) at iba pang ahensiya na hatiin ang halos 3,000 ektaryang lupain ng mga benepisyaryo, na base sa kasunduan ng dalawang party, na ang dating lawyer ng ibang ARBs at ng kompanyang Roxas & Company Inc. (RCI),



Ipinaliwanag ni Atty. Longno, na kaya nais nilang pawalang bisa ang nasabing kasunduan, dahil ang naging agreement sa pagitang ng dating abogado ng ARB at RCI, na walang pahintulot buhat sa mga ARBs na kliyente ng naturang abogado.

Sa kasalukuyan wala pa naman ‘eviction’ o ‘demolition’ na nangyayari at iyon ang nais nilang mapigilan at siguraduhin na walang mangyayari, kaya naghain sila ng preliminary injuction at TRO.



Paliwanag ni Gregoria Buenviaje, isa sa mga petitioner na tatlong hacienda o libong katao ang matinding maapektuhan kapag natuloy ang naturang consolidated order at kapag hindi rin umayon sa kanila ang korte sa kanilang kahilingan.

Sinabi pa ni Atty. Longno, na bahay at kabuhayan ang maaapektuhan sa mga residente ng naturang lugar.



Lubos na nalulungkot ang mga ARBs sa nasabing kasunduan dahil legal naman sila at mayroon mga pinanghahawakang titulo ng lupain na tinatawag na Certificate of Land Ownership Award na tinanggap nila noong taon 1990 na hanggang sa kasalukuyan nagbabayad sila ng buwis at hindi tinik sa lipunan.

Ipinahayag pa ni Ginang Buenviaje na wala pang eksaktong lugar kung sakaling ire-relocate sila subali’t nabanggit sa tinanggap nilang kautusan na sa bulubundukin bahagi ng bansa sila posibleng ipatapon na walang nabubuhay na mga halaman na batid naman ng gobyerno na pagsasaka ang kanilang ikinabubuhay.

Nanawagan ang mga ARBs sa pamamagitan ng kanilang tumatayong abogado na si Atty. Longno, sa mga authorities involved na sana pakinggan ang pakiusap ng mga ARBs dahil natanggap ng mga ito ang kanilang mga ari-arian dahil sa batas at dahil na rin sa iligal na paggawa ng desisyon at walang otoridad ang dati nilang lawyer na nagpahamak sa mga ARBs. Kaya sana pakinggan ng mga kinauukulan partikular na si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marco at DAR Sec. Conrado Estrella lll, ang kanilang petisyon at pagsigaw ng hustisya.