Advertisers
KAKANSELAHIN ng Metropolitan Manila Development Authority ang pagpapatupad ng odd-even scheme kasunod ng pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na itigil ang EDSA Rebuild “to find better way” para mapagaan ang pasanin ng commuting public.
Sinabi ni MMDA Chairman Atty. Don Artes na ang pagsususpinde ay isang pagkakataon upang muling bisitahin ang plano upang maibsan ang inaasahang matinding trapiko sa nakatakdang dalawang taong rehabilitasyon.
Ayon kay Artes,alinsunod sa direktiba ng Pangulo, sususpindihin ng MMDA ang pagpapataw ng odd-even scheme na bahagi ng traffic management plan na inilatag na naglalayong i-decongest ang EDSA bago ang nalalapit na muling pagtatayo.
Aniya, ang pagpapaliban ay magbibigay sa kanila ng oras upang maghanap ng iba pang mga opsyon sa pagpapagaan ng trapiko para sa EDSA Rebuild na hindi gaanong pabigat sa mga motorista at sa pagbibiyahe ng publiko.
Magpapatuloy ang MMDA sa pagpapatupad ng umiiral na number coding scheme. (JOJO SADIWA)