Advertisers

Advertisers

Walang ‘K’ si Jinggoy komontra sa pagkatalaga kay Torre as Chief PNP

0 5,124

Advertisers

KONTRA si Senador “Jinggoy” Estrada sa pagkatalaga kay Major General Nicolas Torre bilang bagong hepe ng pambansang pulisya kapalit ng nagretirong si Rommel Marbil.

Ano raw ba ang qualification ni Torre para italaga ito ni Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr. para pamunuan ang 270,000-PNP members?

Kung kinukuwestyon ni Jinggoy ang pagkakatalaga ni PBBM kay Torre para Chief PNP, dapat kinuwestyon n’ya rin noon ang pagkatalaga ni Rody Duterte kay “Bato” dela Rosa sa nakaraang administrasyon.

Kung ang kinukuwestyon ni Jinggoy na pagkatalaga kay Torre ay ang pagkaaresto ng huli sa “rapist” na si Pastor Apollo Quiboloy at sa mamamatay-tao na ex-President Duterte, aba’y dapat naisip ng Senador na sumunod lamang si Torre sa utos ng kanyang superior, na kapag hindi tumalima ay maari itong masibak sa puwesto dahil sa insubordination.

At kung ang kinukuwetyon naman ni Jinggoy kay Torre ay ang kakayahan ng huli, aba’y sa tingin ko ay wala sa kalingkingan ni Torre ang talino ni Jinggoy kung may talino man ang senador na ito.

Naalala ko pa si ex-Fiscal George Dee, isa sa naging professors ni Jinggoy sa law school ng Lyceum of the Phillipines sa Intramuros Manila, kungsaan naging professor ko rin si Dee sa Journalism. Sinabi ni Prof Dee na napaka-bobo raw ni Jinggoy. Hehehe…

Si Torre ay produkto ng Philippine National Police Academy (PNPA). Ang mapasok ka sa academy na ito ay masasabing napakataas ng IQ mo, isa kang henyo ika nga. Dahil sa daang libo na kumukuha ng exam dito ay ilang daan lang ang nakakapasa at nakakapagtapos.

Kumpara kay Jinggoy na hindi nga nakatapos ng law dahil sa “mahina” daw ang utak, kuwento sa amin noon ni Prof George Dee. Hehehe…

Kung kridibilidad at pagkatao naman ang pag-uusapan, mas malinis itong si Torre kumpara kay Jinggoy na dalawang beses nang nakasuhan at nakulong sa Plunder. Mismo!

Anyway, baka mayroon lamang gustong isulong si Jinggoy para Chief PNP, na tinabla ni PBBM, kaya konyra siya sa pagkatalaga kay Torre. Hmmm…

Si Torre ang kauna-unahang produkto ng PNPA na naging Chief PNP.

Mabuhay ka, General!!!

***

Binira ni Mamamayang Liberal (ML) Partylist Representative-elect Liela de Lima si Senate President Chiz Escudero dahil sa pag-reset ng huli sa nakatakdang pagtalakay sa impeachment articles laban kay Vice President Sara Duterte-Carpio na nakatakda sana ngayong araw, Hunyo 2, pero ipinagpaliban sa sunod na linggo.

Say ni De Lima, ang ‘di pag-usad ng impeachment laban kay VP Sara ay isang pagtataksil sa mamamayan at sa ating Saligang Batas.

“To abandon the process is to abandon the people who still believe in the promise of justice. Let the case be heard Let the evidence be tested. Let the truth rise, as it must, as it will…”

Sa latest SWS survey, majority ng Filipino ay gustong ituloy at simulan na ang impeachment trial laban sa Bise Presidente.

O, ano pang hinihintay mo Chiz? Kilos na!!!