Advertisers

Advertisers

Kim muntik sumuko sa buhay; Barbie game na ulit magpaligaw

0 27

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

19 years na pala sa showbiz si Kim Chiu. Isang taon na lamang at dalawang dekada na siya. Sa mga bagong henerasyon na artista, achievement na itong maituturing.

At bilang pasasalamat, nag-post ang aktres ng kaniyang mensahe sa pamamagitan ng kanyang social media, na sinumulan niya sa pagsasabing nangarap lang siya noong sumali sa Pinoy Big Brother.



“Nineteen years ago, I was just a young dreamer who wanted to be seen on television—no idea where life would take me, no certainty, just faith,” simulang post ni Kim

Sino nga raw ang makakaisip na ang simpleng pangarap ay maisasakatuparan.



Nagpasalamat siya sa kaniyang mga supporters, na mula sa unang pagtuntong niya sa PBB, at hanggang ngayon, ay patuloy na sinusuportahan at minamahal siya.

“ Your unconditional love, your cheers, your patience, your endless support in every projects, teleseryes, variety shows, concerts, movies, commercials, and even in the quiet moments—thank you,”.



Wala raw sapat na salita para ilarawan ang kaniyang naramdaman dahil sobra raw niya itong na-appreciate lalo na sa mga panahong muntik na siyang sumuko dahil sa mga intriga noon.

Higit sa lahat pinasalamatan niya ang Panginoon na nagbigay sa kaniya ng courage para magpatuloy at nanatiling mapagkumbaba.

“This life, this journey… it’s all because of You.” pagtatapos niya.

***

SINGLE pa rin hanggang ngayon ang Kapuso actress na si Barbie Forteza ilang buwan matapos silang maghiwalay ng kanyang ex-boyfriend na si Jak Roberto.

Ayon kay Barbie, wala pa raw nagpaparamdam o nanliligaw sa kanya ngayon. Biro pa niya, multo lang daw ang nagpaparamdam sa kanya

Hind naman daw siya strict about pagpapaligaw. Kung may magpaparamdam o manliligaw daw sa kanya, wala namang problema. Na ang ibig niyang sabihin ay ie-entertain niya.

So, handa na palang magpaligaw si Barbie, di ba?

Kung wala pang bagong boyfriend si Barbie, may bago naman siyang serye sa Kapuso network. Talagang hindi siya nababakante sa work, dahil kapag natapos na ang isa niyang proyekto ay meron agad itong kasunod. Kaya naman feeling blessed and feeling grateful lagi ang dalaga.

Busy ngayon si Barbie sa bago niyang GMA series, ang “Beauty Empire” kasama sina Kyline Alcantara, Ruffa Gutierrez, Gloria Diaz at iba pang Kapuso stars.