Advertisers

Advertisers

IVANA BAGAY NA EGYPTIAN QUEEN

0 54

Advertisers

Ni Beth Gelena

NAGREAK si Zeinab Harake sa latest post ni Ivana Alawi sa kanyang TikTok account.

Positibo naman ang komento ng content creator na kakasal pa lang kay Ray Parks Jr. last Sunday sa Tagaytay City.

Sa TikTok ay kakaibang photo ni Ivana ang kanyang ibinahagi.

It took ‘Cleopatra’ makeup challenge na agad nagviral sa social media platforms.

Ang daming nagkomento sa transformstion ni Ivana bilang si Cleopatra at isa na si Zeinab.

“YASSSSSSSS MAMI,” ani Zeinab.

Sagot ni Ivana, “ILY.”

Ayon naman sa ibang netizens, “Ivana is a real Egyptian Queen, ang real na Cleopatra.”

***

BARBIE TANGING MULTO PA ANG NAGPAPARAMDAM SA KANYA

HALOS kalahating taon na ring loveless ang Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza.

Natanong tuloy siya kung handa na ba siyang umibig matapos ang breakup nila ni Jak Roberto.

Nagbiro ang aktres na tanging isang ghost lang daw ang magkaka-interes sa kanya so far.

Seven years din ang tinagal ng relasyon nina Barbie at Jak at nagbreak sila after New year nitong 2025.

Sa panahong iyun ay itinuon ng aktres ang kanyang oras sa mga proyekto.

Pero, hindi naman daw niya sinasara ang pinto ng kanyang puso para magmahal muli.

Aniya sa isang panayam, paano na ba ang kanyang lovelife ngayong ang dami niyang ginagawa?

Aniya: “Hindi naman ako strict about it. Kung may magpaparamdam, wala namang problema. Pero sa ngayon, multo pa lang ’yung nagpaparamdam kasi sa akin.”

Sino ba naman ang hindi makakaalala sa magandang sinabi ni Barbie nung maghiwalay sila ni Jak?

“Having you in my life was the happiest I had ever been. Seven wonderful years. A lot of laughs, a lot of ramen and so much love… good things also fall apart so that better things can come together.”

***

Sa 19th anniversary sa showviz
KIM PATULOY IAANGAT ANG SARILI TULAD NG ISANG PHOENIX

MAY makabuluhang post si Kim Chiu para sa kanyang 19th anniversary sa showbiz.

Aniya sa kanyang Instagram page, “Like a phoenix, I rise—again and again,” umpisa niya sa post.

“No matter what life throws my way, I choose to stand tall and keep going,” patuloy niya.

“Today, I celebrate 19 years of love, challenges, growth, and endless support. Thank you for standing by me through it all.”

“Here’s to many more years of rising, dreaming, and sharing this journey together.”

Pinasalamatan niya ang Kapamilya network na naging daan ng pagbabago ng buhay nilang pamilya.

“Thank you ABS-CBN FAM!” “#19YearsOfGratitude HAPPY ANNIVERSARY!!!!”

Ang Chinita Princess ay produkto ng realty show na PBB Teen Edition noong 2006.

Siya ang grand winner ng naturang reality show.

Following her PBB victory, Kim became one of ABS-CBN’s top stars, starring in hit teleseryes like Sana Maulit Muli, My Girl, Ina, Kapatid, Anak, and Love Thy Woman.

Naging regular din siya bilang isa sa host ng It’s Showtime.