Advertisers
WINNING tradition,it runs in the blood ng mga Manalo.
Ang billiards and snooker international icon na si Marlon ‘ Marvelous’ Manalo na nanindak ng ibang lahi partikular sa Estados Unidos pati sa mga singkit, Malay at Indiano sa Timog Silangang Asia at Asiad para makapag-ambag ng karangalan sa Pilipinas bilang national athlete.
Bukod sa pagiging bayani bilang gem player ng bansa ay nàging isang tanyag na public servant par excellence si Marlon bilang full-termer kapitan ng Bgy.Malamig sa Mandaluyong City, ex- officio member ng 9th & 10th Council.Naglingkod din siya bilang pangulo ng Association of Barangay Captains at PRO ng League of Barangay Captains na may mahigit 42 libong miyembro.
” I have demonstrated the skills to facillitate an efficient team under my leadership and guidance.In addition, in my experience as an athlete for more than two decades will be a great help in uplifting the life and level of competence of people around us, “wika ng multi-awardee sa larangan ng serbisyo publiko at sa larangan ng sports na si Manalo.
Ang tinaguriang marvelous sa larangan ng billiards ay malayo pa ang isip na iaparador ang kanyang tako at bulilyo pero may isa pang Manalo ang nagpapakitang-gilas sa velvet table.
Sa kanyang batang edad ay nagpapasiklab na ang anak ni Marlon na si Dylan Manalo sa mga torneo sa Metro Manila, karatig at sa dayo sa ibang lupain.
Kamakailan lang ay pinadapa ni Dylan ang mga dayuhang bilyarista upang dominahin ang VIP 10-Ball Open Championship sa Pasay City. Champion Cup and counting.Marami pang dadaigin si Dylan…ABANGAN!!!!