Advertisers

Advertisers

Isa pang opisyal ng KOJC hinatulan ng ‘guilty’ sa US

0 27

Advertisers

INIUTOS ni Judge Terry Hatter, Jr. ng United States District Court, Central District of California, ang agarang paglipat kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) administrator Marissa Duenas sa Bureau of Prisons.

Nauna nang umamin si Duenas sa kasong nasa Count 7 ng superseding indictment, na may kinalaman sa visa fraud at pekeng kasal. Na-kipag-plea agreement siya sa US Attorney’s Office kapalit ng mas magaan na sentensiya.

Ayon sa mga dokumento ng korte, nakapagsilbi na si Duenas ng hatol na ipinataw sa kanya at sa halip ay ilalagay siya sa ilalim ng dalawang taong supervised release.



Sa ilalim ng supervised release, kailangang sundin ni Duenas ang lahat ng kondisyong itinakda ng kor-te. Mahigpit siyang ipinagbabawal na gumawa ng anumang krimen o lumabag sa batas — lokal, estado, o pederal.

Si Duenas ang namuno sa human resources ng KOJC sa Estados Unidos. Siya ang nangolekta at nagtago ng mga pasaporte at immigration documents ng mga manggagawa ng KOJC upang hindi nila ito makuha. Siya rin ang nag-ayos ng mga pekeng dokumentong pang-imigrasyon, kabilang ang pekeng kasal at student visa, upang manatili ang mga manggagawa sa U.S. at makapanghingi ng dona-syon para sa KOJC.



Pinagbigyan din ng korte ang hiling ng US Attorney’s Office na ibasura ang natitirang mga kaso laban kay Duenas, alinsunod sa kasunduang plea agreement ng magkabilang panig.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">