Advertisers

Advertisers

JUDAY BINIGYAN NG COMMENDATION NG SENADO

0 26

Advertisers

Ni Beth Gelena

BINIGYAN ng commendation ng Senado ang Teleserye Queen winning actress na si Judy Ann Santos dahil sa husay nitong pagganap sa.pelikula niyang Espantaho na nakakuha ng awards sa ibang bansa.

Ani Juday: ‘Malaking bagay na makilala ang mga trabaho mo.’

Sa pamamagitan ng Senate Resolution no. 1320 na isinulong na batas mula kay Senador Jinggoy Estrada, binigyan nila ng honor ang aktres dahil sa.pagkapanalo nito bilang Best Actress sa 2025 Fantasporto International Film Festival sa Portugal nitong nakaraang Mayo.

Ipinost ng aktres sa kanyang Instagram Page na personal niyang tinanggap ang prestigious commendation mula sa Senado.

Aniya, “Hindi ko naisip na aabot hanggang dito ‘yung pagtrabaho ko bilang artista.”

“Malaking bagay na makilala ang mga trabaho mo,” dagdag nito.

“Thank you so much to all the senators, to Sen. Jinggoy Estrada for the resolution,” aniya.

“Ang saya saya, thank you po, thank you very much.”

“This will serve as an inspiration for us to further improve our work, hindi lang dito sa Pilipinas pati na rin sa labas ng bansa,” turan ng very proud actress.

Speech naman ng may author ng law na si Sen. Jinggoy, “Her Best Actress win in Fantasporto, her second international best actress trophy following the recognition from Cairo Film Festival in 2019 for the movie ‘Mindanao’, proves her range and versatility as an actress who can not only make audiences cry buckets for her dramatic portrayals as a true royalty of Pinoy Soap Opera or hold her own as a female lead in action sequences, including our very own tandem, but can also send chills and suspense in horror blockbusters.”

***

BELA ‘SCAMMER’

SI Bela Padilla ang feature sa MMK titled “SIM Card.”

Ang daming na-impressed sa pagganap ni Bela na isang Pinay na narescue mula sa illegal scam centers na nag-ooperate sa Myanmar.

Bilang si Nadia na sa kagustuhang makatulong sa pamilya beside sa mataas na sahod, tinanggap niya ang trabaho.

Hindi niya akalaing sa Myanmar sila dadalhin dahil ang pangako ng employer ay sa Thailand siya magwowork bilang customer service.

Napili ang letter sender nang magpadala siya sa “Maalaala Mo Kaya.”

Ang episode tagged “Trafficked Story Part 1 (SIM Card)” impressively portrayed by Bela Padilla ay mapapanood sa June 11 sa iWantTFC.

Sabi nga ni ito ni Bela sa kanyang IG.