Advertisers
Ni Timmy Basil
NOONG kabataan ni Direk Dante Balboa particularly noog nasa Seiko Films pa siya at gumagawa ng mga sexy films, ang dami pala talagang nagkakagusto sa kanya, mga kolehiyala,matrona and even gays.
Hindi lang basta gay, kundi pinag aagawan siya noon ng isang gay senator at isang gay congressman.
Hmmm… sinu-sino kaya sila? Yung senador, alin kaya sa kanila, dalawa lang naman ang nasagap ng gaydar ko, isang taga norte at isang taga south. Natitiyak ko, isa sa kanila hahaha.
Yung cogressman, wala akong idea, di na gumana ang gaydar ko.
Sa ngayon ay naka-concentrate si Direk Dante sa stage play na “Walong Libong Piso”. Nakatakda na itong ipalabas sa CCP kaya tuwang tuwa ang 4 na bida nito na sina Paolo Gumabao, Drei Arias, Jhon Mark Marcia at Juan Calma dahil sa isang legit at sikat na tanghalan sila mapapanood. Hindi kayo mabibitiin dahil lahat sila may frontal scene at may bayo bayo ek pa
Sa nabanggit na apat, virgin pa sa stage play ang 3 maliban kay Drei dahil Theater Arts ang kurso nito.
” Gagalingan ko talaga Tito, ayokong masayang ang tiwala nila sa akin, CCP … wow, legit na ako Tito,” pahayag ni Juan Calma after makatsikahan ko sa Manila Hotel.
“Gusto ko, after nila mapanood ang play, pagdating nila sa bahay, may gagawin sila, sabi naman ni Jhon Mark.
Naku Jhon, malay mo baka sa venue pa lang may gagawin na sila, hahahaha. JOKE.
Back to Direk Dante, isa rin pala ito sa nagsusulong na sana bumalik na ang pagtangkilik ng mga Pinoy sa dyaryo . Pinost niya sa kanyang FB na kung may mabasa ang netizen na sinulat siya sa dyaryo ay ipagbigay alam sa kanya o kaya tabihan siya dahil nagki- clippings talaga siya kahit noon pang nasa Seiko Films pa siya. O siya. ipagtabi nyo na si Direk sa labas kong ito.
***
KAHIT NAWALA SA MAGIC VOYZ SI JUAN CALMA, MADAMI PA RIN SYANG NAKUKUHANG PROJECTS
MAY personal na rason si Juan Calma kung bakit di na siya napapanood sa tuwing may pagtatanghal ang Magic Voyz, akin na lang yun.
Nawala man siya sa MV pero marami namang projects ang kanyang nakukuha ngayon at isa na rito ang stage play na Walong Libong Piso na talagang pinaghahandaang mabuti ni Juan dahil isa siya sa bida . Lalo siyang natuwa nang malaman niya na sa CCP ito itatanghal at balitang iikutin ang buong Pilipinas
Kahapon naman ay dumalaw tayo sa set ng pelikulang 69, isang VMX movie kungsaan isa sa mga bida ay si Juan along with Mhack Morales, Paula Santos at iba pang nagseseksihang Vmx artists na di natin nakuha ang names.
Ito’y sa direksiyon ni Direk Roe Pajemna under LDG Films for VNX Release.