Advertisers

Advertisers

FranSeth pasok sa NY Times ang pelikula

0 32

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

FranSeth pasok sa NY Times ang pelikula

NATUWA ang magka-loveteam na sina Francine Diaz at Seth Fedelin na-feature sa New York Times ang streaming worldwide ng pelikula nilang My Future You kabilang ang Netflix. Ito ang pelikulang napabilang sa Metro Manila Film Festival last December na umani ng magagandang feedbacks at review sa mga manonood.

Kasama ang nasabing pelikula sa artikulo ng New York Times bilang isa sa “Five Science Fiction Shows You Need to Stream Right Now!”

Kaya naman tuwang tuwa ang mga faney ng FranSeth kabilang dyan ang producer nila na si Ms. Roselle Monteverde ng Regal Entertainment, na hanggang sa abroad ay napansin ang pelikula nina Seth at Francine

Kaya naman hindi nakakapagtaka na may follow up movie na kaagad sa Regal ang dalawa titled, She Who Must Not Be Named ayon sa Star Magic. Balita nga namin ay pipirma na raw ng kontrata ang FranSeth sa Regal.

***

PAMBANSANG YOBAB NAGPALIWANAG SA VIRAL NA FOOD REVIEW

NAGBIGAY na ng paliwanag si Euleen Castro, ang tinaguriang Pambansang Yobab sa kontrobersyang kinasasangkutan ngayon dahil sa ginawang food review sa isang café sa Iloilo.

Kaliwa’t kanang batikos ang tinanggap ng content creator mula sa publiko matapos mag-viral ang kanyang video kung saan sinabi niyang hindi masarap ang lahat ng drinks at lafang sa naturang coffee shop.

Sa pamamagitan ng kanyang YouTube channel, nagpaliwanag si Euleen hinggil sa pangyayari. Nagkuwento rin siya kung paano sila napunta sa coffee shop at kung bakit hindi pumasa sa panlasa niya ang mga kape at pagkain doon.

Sabi ng vlogger, after nilang manood ng sine ay naghanap nga sila ng isang café sa Iloiolo hanggang sa magdesisyon na nga silang pasukin ang nasabing coffee shop.

Talagang inorder daw nila ang halos lahat ng nasa menu para matikman ang mga ito. Sey ni Euleen, “Honestly, hindi po talaga ako nasarapan, and opinyon ko naman po ‘yon.”

Ngunit ipinagdiinan ng vlogger na wala naman siyang sinabi sa publiko na huwag nang pumunta o huwag nang tangkilikin ang nasabing café.

“Hindi ko sinabing huwag puntahan, hindi ko sinabing magsara kayo,” punto pa ni Euleen.

Sa pagmumura naman daw niya na isa sa mas nagpagalit pa sa ginawa niyang food review, nilinaw ni Euleen na hindi naman daw niya minura ang pagkaing inorder nila, pati ang coffee shop at staff ng café

“About doon sa pagmumura, main issue n’yo is nagmura ako doon sa pagkain, hindi ko po minura ‘yung pagkain, ‘yung staff, ‘yung cafe, wala akong minura. Expression ko lang po talaga ‘yun,” katwiran ng vlogger.

Aniya pa, “Akala ko po kasi lahat nage-gets na ‘yong humor ko, lahat ng followers ko. Doon ako medyo nag-lean sa gets naman ako ng supporters ko.”

Wala raw siyang intensiyon na sirain o ipasara ang coffee shop, nagpakatotoo lang daw siya sa kanyang review tungkol sa mga kinain at ininom.

Sa huli ay sinabi ni Pambansang Yobab na isang wake-up call din daw para sa kanya ang nangyari at ganu’n na raw pala kalawak ang reach niya as social media personality.

This time raw ay talagang mag-iingat na siya sa mga susunod niyang content.