Advertisers

Advertisers

Ika-127 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ipinagdiwang sa Caloocan

0 40

Advertisers

Pinangunahan ng mga opisyal at tauhan ng lokal na pamahalaan ng Caloocan ang pagdiriwang ng ika-127 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng bansa, sa Pambansang bantayog ni Andres Bonidacio sa lungsod ng Caloocan, nitong Huwebes, Hunyo 12, 2025.

Isinagawa ang programa sa bantayog ni Gat. Andres Bonifacio kung saan nakibahagi sa aktibidad ang lahat ng tauhan ng bawat departamento ng Caloocan LGU.

May tema ang nasabing pagdiriwang ng “Kalayaan, Kinabukaan, Kasaysayan.”

Dumalo sa isinagawang program ang ilang kinatawan ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) kung saan naging panauhin pandangal si Department of the Interior and Local Government (DILG) Usec. Omar Romero.

Katuwang ni Mayor Along Malapitan si Usec. Romero sa pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Andres Bonifacio sa Monumento circle.

Sa pahayag ni Romero, igniit niya na dapat bigyang pagpapahalaga ang mga sakripisyong ginawa ng mga bayani upang makamit ang kalayaan ng Pilipinas.

Sinabi naman ni Mayor Malapitan na dapat magsama-sama at magtulungan ang bawat Pilipino upang tuluyang maging malaya sa suliranin na kasalukuyang kinahaharap ng bansa.

Wala naman naging problema ang pagsasagawa ng programa at iba pang aktibidad sa Monumento hanggang sa ito’y matapos kung saan sa monitoring ng Northern Police District (NPD) maayos at payapa ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa CAMANAVA area.