Advertisers
Grabe pala ang “cooking makaw” sa bidding ng mga kontrata sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ito ang ibinulgar ng isang magaling na abogado — si Atty. Fay Singson, at hindi tsismis ang yarian sa biddin sa ilegal na pagbili ng mga bangkang pangisda ng mga opisyal ng ahensiyang ito na nasa ilalim ng Department pf Agriculture (DA).
May personal knowledge si Atty. Singson sa lutong makaw na transaksiyon na ito, dear readers, at pag may personal na kaalaman ang isang tao, aba, sigurado na may paglalagyan kulungan ang mga kasangkot sa anomalya.
Kinasuhan ng graft complaint ay sina: Isidro M. Velayo Jr. dating OIC-BFAR at nakaupong BFAR Assistant Director for Technical Services, at Zaldy P. Perez, chairperson ng BFAR Special Bids and Awards Committee (SBAC).
Ay, nalintikan na, ano ba ito, bidding-bidingan, kunwari ay may totoong bidding pero iyon pala, may favorite nang kausap na mananalo sa bilyones pesos na bilihan ng mga fishing vessels.
Eto pa ang respondents sa kasong katiwalian na mga miyembro ng SBAC, ay masisibak kayo, pag napatunayang totoo ang korapsiyon, ay… pag naduling sa kinang ng datung, nakakalimot ang isang mahinang nilalang.
Iba pang respondents: na miyembro ng ng SBAC ay sina Ida Capicio, Imelda Calixto, Sonia Somga, at Atty. Felizardo Palumbarit, at mga kasapi ng Technical Working Group (TWG) at Secretariat na sina: Joeren Yleana, Engr. Francis Acel Cabrera, Ma. Teresa Duguiles, Pierre Easter Velasco, Isidro Tanangonan, Capt. Neil Valdez at Robert Cana, at sina Ada Korina Togonon, Rene Zaldy Porlaje ay Jennifer Viron.
Ups. may kasangkot pa sa kaso, sina Pauline Ngo, president/CEO ng Joint Venture of Dynacast Shipbuilding and Reparis, Inc, at ng Dynamic Power & Marine Industrial Hardware, Inc, at si Gelanie Baydal, authorized representative sa “bidding-biddingan” kuno, ayon sa isinampang kaso ni Atty. Singson.
Sa reklamo ni Atty. Singson, nilabag ng mga respondents ang RA 9184 (Government Procurement Reform Act), RA 3019 ( Graft and Corrupt Practices Act), RA 6779 (Ombudsman Act of 1989) at Executive Order 292 (administrative Code of 1987).
Mabigat pala itong si Atty. Singson, kasi, siya pala ay dating senior official ng Office of the Ombudsman (OMB), kaya alam na alam niya ang mga batas na nilabag ng mga respondents.
Sa kanyang opisyal na pahayag, sinabi ni Singson na kailangang mapanagot ang mga respondents, kasi po, bilang mga opisyal at may katungkulan sa gobyerno, ang mga paglabag ay taliwas, kontra sa interes at kapakanan ng taumbayan, lalo na at sangkot ay bilyon-bilyong piso ng taxpayers.
“I compelled to file the charges against BFAR officials so that government resources and interest shall be protected at all times,” sabi niya.
Tama po, dapat mapanagot, maparusahan ang mga taong ito, kung mapatunayang korap, kasi pag hindi sila nakasuhan, ang talo ay ang mamamayan.
Dagdag pa ni Atty. singson, kusa, lantaran, ni walang tangkang itago ang anomalya sa pagbili ng mga fishing vessels sa pinagtibay na Joint Venture na ito, na ang ginamit na mga dokumento ay pinalsipika o sa salitang kanto, “dinoktor” upang palabasing totoo at walang anomalya.
Kahit na nga falsified ang mga dokumento, sabi ni Atty. Singson, ” xxx the respondents never disqualified the Joint Venture and even proceeded in the anomalous awarding of a contract worth Php526 Million in favor of the Joint Venture.”
Grabe pala ito, at sa isinampang kaso, ipinakita na ang mga inirereklamo ay nagpakita ng sinasadyang sabwatan, at kahit alam na malulugi at mapipinsala ang gobyerno, ang award ay ibinigay sa kanilang “favored” bidder.
Sana, sa pormal na pag-upo ni Paran¨aque 2nd District Rep. Brian Yamsuan at ni Las Pin¨as City Rep. Mark Anthony Santos ay maghain sila ng resolution upang maimbestigahan ang maanomalyang bidding-bidingan na ito sa BFAR.
Teka, tanong lang: Wala kayang mga boss sa DA na may alam sa korapsiyong ito ng isa sa kanilang ahensiya, just asking.
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe sa bampurisima@yahoo.com.