Advertisers

Advertisers

Mayor Honey nakiisa sa pagdiriwang ng bansa ng Araw ng Kalayaan

0 24

Advertisers

KAISA ng bansa si Manila Mayor Honey Lacuna sa pagbibigay pugay ‘di lamang sa mga bayani na nagbuwis ng buhay upang matamo natin ang kalayaang tinatamasa natin ngayon, kundi maging sa mga frontliners na nagbuwis ng kanilang buhay sa panahon ng pandemya.

Sinamahan ni Lacuna sina President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at iba pang mga opisyal ng bansa na dumalo sa pagdiriwang ng ika – 127 taong anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa Luneta.

Hinikayat ng alkalde ang mga residente ng kabisera ng bansa na na bigyang dangal, magbigay pugay at gawing inspirasyon ang mga bayani na nakipaglaban sa mga dayuhang mananakop na naging dahilan ng kanilang kamatayan.

“Bigyang-halaga natin ang kagitingan at matibay na paninindigan ng ating mga bayani. Nagpupugay tayo sa pangarap, pagsisikap, malasakit at pag-aalay nila ng kanilang sarili sa ngalan ng kalayaan,” sabi ng lady mayor.

SI Lacuna, na isang doktor ay pinamunuan ang health cluster sa Maynila sa kasagsagan ng pandemya at pinangunahan din ang pagbabakuna sa lungsod noong panahong iyon.

Binigyang papuri din ni Lacuna ang mga frontliners na nahawa ng COVID 19 pero nabuhay at sa paglalagay sa buhay ng kanilang pamilya sa peligro upang maisalba ang buhay ng iba.

Binigyang diin din ng alkalde ang papel na ginagampanan ng pagkakaisa at sinabing ang pagkakaisa ng mga Filipino noong pandemya ang isa sa dahilan kaya naligtasan ang pandemya .

Ayon pa kay Lacuna, sa kabila na huminto ang mundo na naging dahilan upang ipagbawal ang face-to-face events at mga pagdiriwang, ang pagkakaisa, kooperasyon at pagsunod sa mga itinakdang alituntinin at protocols ang siyang dahilan upang manumbalik ang normal na galaw ng ikot ng mundo. (ANDI GARCIA)