Advertisers
KARUMAL-DUMAL ang sinapit na kamatayan ng magkapatid na bata nang pagtatagain ng amain at sugatan ang kanilang ina dahil sa selos sa Barangay San Pedro, Albuera, Leyte noong Martes.
Dead-on-arrival ang 4-anyos na batang babae sa isang ospital sa Ormoc City, at binawian ng buhay ang kapatid nito habang nilalapatan ng lunas.
Samantalang ang kanilang ina ay patuloy na nagpapagaling sa mga tinamong taga sa kaniyang katawan.
Batay sa report ng Leyte Police, naganap ang krimen sa loob ng tahanan ng pamilya sa Brgy. San Pedro.
Ayon sa imbestigasyon, nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng ginang at ng kaniyang live-in partner bunga umano ng matinding selos ng huli.
Sa kainitan ng pagtatalo, kumuha ng itak ang mister at pinagtataga ang mga bata na noon ay kasalukuyang natutulog, habang tinaga rin ang misis sa pagtatangkang pigilan ito.
Kasaluluyang pinaghahanap ng mga awtoridad ang tumakas na salarin.