Advertisers
“NO comment” ang Commission on Elections (Comelec) sa pahayag ni Vice President Sara Duterte na nagkaroon ng dayaan sa nakaraang May 12 elections.
Pero ayon kay Comelec Chairman George Garcia, iginagalang nila ang pahayag ng VP Sara at naniniwala silang malaya ang sinuman na magpahayag ng opinyon bilang bahagi ng demokrasya.
Ayon kasi sa Pangalawang Pangulo ng bansa, may tatlo pang nanalo na miyembro ng kanilang partido PDP-LABAN na tumakbo sa pagka-senador.
Kasama rito sina Jayvee Hinlo, Jimmy Bondoc at Richard Moto.
Sa isang pahayag, inatasan ni VP Sara ang partido na kwestiyunin ang nangyaring proseso sa nagdaang eleksyon. (Jocelyn Domenden)