CTO at team, pinuri ni Mayor Honey sa pagiging updated ng sweldo at benepisyo ng mga kawani ng City Hall
Advertisers
BINIGYAN ng komendasyon ni Manila Mayor Honey Lacuna si City Budget Officer Grace Chua at ang kanyang team dahil pinananatili nitong buhay ang pananalapi ng kanyang administrasyon.
Sinabi ni Lacuna na dahil sa pagiging episyente ni Chua nagawang maibigay ng lokal na pamahalaan ng Maynila sa kanilang mga kawani ang kanilang updated na sweldo at benepisyo.
“Hindi lang po sila gumagabay sa lahat ng department na maging maayos ang budget ng bawat isang tanggapan, kundi sila din ang nagtatahi-tahi o pinagsasama-sama nila ang lahat ng budget ng bawat opisina nang sa gayon ay magkaroon tayo ng isang buo o tinatawag na executive budget,” pahayag ni Lacuna tungkol kay Chua.
Sinabi pa ng alkalde na sinusundan ng buong lungsod ang lead ng tanggapan ng city budget sa lahat nitong gastusin, dahil ‘di madali ang trabaho ni Chua na balansehin ang mga gastusin kontra available na pondo.
“Hindi madali ang kanilang tungkulin dahil kailangan nilang balansenhin ang ibang gastusin at ano po ang kayang ipantatapat na panggastos ng ating lungsod, kaya marming salamat sa lahat ng bumubuo sa city budget office sa napakalaking responsibilidad ninyo para sa pamahalaang-lungsod,” ayon pa kay Lacuna.
Nabatid kay Lacuna na malaking bahagi ng budget ng lungsod ay napupunta sa personnel services, ” kaya napakasuwerte natin dahil kahit paano, kahit alam naman n’yo na napakahirap ilikom ng pondo ay napagssiikapan nating maibigay lahat ng benepisyo ng bawat isang kawani, bagay na dapat nating ipagpasalamat sa city budget office.”
Binigyang diin ng lady mayor, na sa Maynila ang bawat sentimo na napupunta. sa kaban ay nagagamit ng tama at maayos. (ANDI GARCIA)