Advertisers

Advertisers

Bebot tigok sa onsehan sa droga sa Valenzuela

0 28

Advertisers

Patay ang 35-anyos na babae nang pagbabarilin ng riding-in-tandem habang naglalakad sa Bautista Street, Barangay Marulas, 700 ng gabi noong Huwebes, Hunyo 12.

Ayon sa mga saksi, tatlong putok ng baril ang narinig bago bumagsak ang biktima, na tinamaan sa ulo at katawan.

Mabilis na tumakas ang mga salarin sakay ng motorsiklo at patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad.



Sa isinagawang imbestigasyon, lumutang ang anggulong may kinalaman sa droga ang pamamaslang. Napag-alamang may ilang ulit nang nai-blotter sa barangay ang biktima dahil sa reklamong pagnanakaw at umano’y pagkakasangkot sa ilegal na droga.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Valenzuela City Police upang matukoy ang mga salarin at ang tunay na motibo sa likod ng pamamaril. (Beth Samson)