Advertisers
NAGSAGAWA ang lungsod ng Imus ng Brigada Eskwela upang paghandaan ang nalalapit na pasukan, kahapon sa Tinabunan Elementary School, Brgy. Pag Asa 1 Imus City.
Nakiisa ang Imus LGU sa pangunguna nina Mayor Alex Advincula at Congressman AJ Advincula at Vice Mayor Homer Saquilayan kung saan buong suporta ang inilaan ng Pamahalaang lungsod ng Imus sa City School Division Office sa taunang pagpapatupad bg Brigada Eskwela ng Department of Education ( Deped ) na may temang “Sama Sama para sa Bayang Bumabasa”.
Pangunahing layunin ng Brigada ay upang maihanda at maisaayos ang mga pampublikong paaralan para sa pagbubukas ng klase.
Kasabay nito, inilunsad din ang e-Learning Interactive Display sa Tanzang Luma Elementary School kung saan nagbigay ng 3 malalaking TV na Interactive para sa mga guro at estudyante ng nasabing paaralan.
Ang Tanzang Luma Elementary School kung saan ipinamahagi ang Interactive TV na may sukat na 70 inches bawat isa ay kauna unahang eskwelahan na nagkaroon sa lalawigan ng Cavite. (Irine Gascon)