Advertisers

Advertisers

Higit 500 natimbog sa gun ban sa Maynila

0 11

Advertisers

AABOT sa mahigit 500 individwal ang nadakip ng Manila Police District (MPD) sa ipinatupad na Comelec gun ban.

Sa datos ng MPD – District Election Monitoring Action Center (DEMAC), umabot na sa 557 ang naitalang paglabag sa gun ban simula nang ipatupad ito January 12 hanggang June 10, 2025.



Nasa 565 ang naaresto, karamihan ay pawang sibilyan; habang dalawa ang nahuli sa mismong COMELEC checkpoints.

Sa kabuuan, 564 armas ang nakumpiska, 553 dito ay mga improvised na baril habang 5 ay walang lisensiya at 4 pampasabog.

Nakumpiska rin ang dalawang replica firearms at 730 na bala.

Pinakamarami sa nahuling lumalabag sa gun ban ay mula sa Police Response at Patrol Operations na may 339 insidente, sinundan ng iba pang law enforcement operations na may 208 kaso.

Sa kabila ng mga naitalang paglabag, nananatiling zero ang validated election-related incidents sa Maynila.