Advertisers

Advertisers

Brgy. kagawad todas sa ambush

0 10

Advertisers

NASAWI ang isang barangay kagawad sa tinambangan sa Barangay Magugpo North sa Tagum City, Davao del Norte nitong Biyernes ng madaling araw, June 13, 2025.

Kinilala ang biktima na si Jorge Josol, Jr., 43 anyos, kagawad ng Brgy. Magugpo North.

Sa inisyal na ulat ng Tagum City Police Office, minamaneho ni Josol ang kanyang pick-up truck mula sa kungsaan nang paputukan ng mga armadong na nakaabang sa kanya sa Purok Pine Tree, Barangay Magugpo North.



Ayon sa mga imbestigador ng pulisya na nagresponde sa insidente, naganap ang pananambang hindi kalayuan sa kanilang tahanan sa Purok Pine Tree .

Ayon sa kanyang mga kapitbahay, bagama’t sugatan na, nagawa pang lumabas ng kanyang sasakyan si Josol, nguni’t nahulog ito sa malalim na kanal sa gilid ng kalye at doon nalagutan ng hininga.

Nagsasagawa pa ng imbes-tigasyon ang pulisya sa krimen.