Advertisers

Advertisers

Online seller nakipag-eyeball sa buyer, pinatay

0 19

Advertisers

NASAWI ang isang online seller nang pagbabarilin ng nag-iisang gunman habang hinihintay ang pagdating ng buyer ng kanyang mga ibinebentang damit sa panulukan ng Dagonoy at Radium Streets, Barangay 175 San Andres Bukid, Maynila, Miyerkoles ng hapon, Hunyo 11.

Ayon sa ulat ng Manila Police District – Homicide Section, namatay noon din si Kyle Mario Castro, 28 anyos, online seller at taga-Brgy. 775, San Andres Bukid, dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.



Sa imbestigasyon, naganap ang insidente 5:10 ng hapon sa nabanggit na lugar.

Pumunta umano ang biktima sa lugar para katagpuin ang buyer ng ibinebenta ni-yang damit online.

Habang nagihihintay, nilapitan siya ng isang lalaki na nakapulang helmet, short pants at naka-sandals at kaagad na pinagbabaril.

Mabilis na tumakas ang salarin sakay ng motorsiklo.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen.