Advertisers

Advertisers

DAPAT SHARP SHOOTER!

Gen. Torre magreretiro ‘pag ‘di nakapasa sa marksmanship test

0 17

Advertisers

SERYOSONG sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief, General Nicolas Torre, na magreretiro siya kapag bumagsak sa markmanship test kaugnay ng programa ng pambansang pulisya na pagpaigting sa kasa-nayan ng pulis sa paghawak ng baril.

Ayon kay Torre, magiging istrikto siya sa pagpapatupad ng firearms proficiency standards ng PNP.



Aniya, siya mismo ang mangunguna sa pagsusulit at kung bumagsak siya ay kagad siyang magreretiro sa puwesto.

“I’ll personally see to it and lead the test, the exams. Kung bumagsak ako, magre-retire ako,” diin ng Chief PNP na dating CIDG Director na na-nguna sa pag-aresto sa “untouchable” na “Son of God” na si Apollo Quiboloy na nahaharap sa mga kasong pang-aabuso, at kay ex-President Rody Duterte na nakakulong ngayon sa The Hague, Netherlands sa International Criminal Court (ICC) detaintion facility sa kasong ‘crimes against humanity’.

Sinabi ni Torre na hindi lang mga bagitong pulis ang sasabak sa proficiency test kundi pati mga heneral at matataas na opisyal. Giit niya, mahalaga ang pagiging bihasa sa baril dahil huling opsyon ito sa operasyon.

“Buhay ang nakataya rito… Paano ang intended target hindi mo tamaan at ang tatamaan ay inosenteng tao?”, diin ng Heneral.

Magsisimula ang pagsusulit ngayong Hulyo, simula sa mga nasa top leadership position. (Mark Obleada)