Advertisers

Advertisers

Rufa Mae inurot na i-seminar si Ken na nagtatago sa kaso

0 14

Advertisers

Ni Archie Liao

MARAMI ang natuwa dahil naabswelto na si Rufa Mae Quinto sa kasong syndicated estafa na isinampa sa kanya ng investors ng isang brand na kanyang ini-endorso.

Masaya rin niya itong ibinida sa kanyang Instagram account.



Caption niya:”FF. Hooray! Na Quash na Case! I’m free as a kite! Malayang malaya !

To GOD be the GO GO GLORY!”

Sey pa niya, pagkatapos daw niyang ma-expose sa stress sa kaso ay bet niyang magpa-fresh kaya inaasikaso talaga niya ang pagpapaganda.

Marami namang kafaneyan ang bumilib sa disposisyon ng komedyana na kahit nahaharap sa pagsubok ang marriage ay hindi nagawang takbuhan ang kanyang kaso.

Hirit pa ng ilang nagmamaldita, dapat daw ay gayahin siya ni Ken Chan na diumano’y nagtatago pa rin sa mga nakahaing kaso sa kanya.



May mga nang-uurot pa na i-seminar niya ang aktor.

Ito ang ilan sa mga reaksyon ng mga nagmamarisol.

“That’s great news!”

“Gogogo, Peachy. We’re happy for you.”

“Sana sundin siya ni Ken Chan. It’s about time na harapin na niya ang mga kaso niya.”

“Go, Peachy. I-seminar mo si Ken.”

“Iyong isa kaya, kailan lalantad and take accountability.”

“Ken, it’s about time to show up and show your innocence.”

“I’m sure. Mas cautious na ngayon si Peachy pag ganyang kukunin siyang endorser cum guarantor.”
“Deserve niyang makalaya di kagaya nung isa na may pa-party party pa sa ibang bansa.”