Advertisers

Advertisers

Lassy at MC kaya na makipagtikisan kay Vice

0 15

Advertisers

Ni TIMMY BASIL

NUNG hindi na napapanood sina Lassy at MC sa It’s Showtime after nung nangyaring vlog sa kanila ni Vice Ganda sa isang isla, ang naputukan talaga ay si MC.

Marami ang nagsasabi na malaking kawalan ito kina Lassy at MC dahil double nga naman ang kita nila kay Vice, may sahod sila sa It’s Showtime, may sahod din sila sa Vice Comedy Club at kumikita rin sila pag sinasama sila ni Vice sa kanyang mga shows maging sa abroad.

More than anybody else, sila ang nakakakilala nang husto kay Vice at maging sa It’s Showtime ay ganun na ang ginagawa ni Vice sa kanila.

Sa isip-isip ko, puwede naman nilang ipagkibit-balikat ang nasabi ni Vice dahil napakaraming beses na nila itong naranasan mula sa komedyante.

Sa loob-loob ko, nakakapag-ipon na siguro ang dalawa at siguro ito na ang tamang oras na sabihin nilang “tama na Vice, sobra na .. nasasaktan na kami.”

True enough, kahapon ay biglang nag pop up sa akin sa Youtube ang house tour ni Julius Babao sa bahay ni Lassy.

Ay, ang ganda pala naman talaga ng bahay ng komedyante. Pati si Julius ay di makapaniwala na nagkabahay si Lassy nang ganun kaganda.

Bawat muwebles, bawat parte ng bahay ay may detalye, may concept.. Iba ka talaga Lassy, kaya pala . Keri mo nang makipagtikisan kay Vice dahil madatung at mayaman ka na.

Eh si MC kaya, nakapagpatayo rin ba ng magarang bahay tulad ni Lassy? Sige, ipa house tour mo kay Julius.

Pero ang tanong, kung laging palabas ang pera ni Lassy at walang pumapasok eh baka mahirapan naman siya but with Lassy’s talent, alam kong makakahanap siya ng mga raket kahit hindi ganun ka bongga sa mga binibigay ni Vice kampante naman siya na hindi babastusin ng mga kukuha sa kanila ang kanilang pakatao.

Mahirap kasi pag umabot na sa sukdulan.

***

MHACK MORALES FRESH KAHIT GALING BEDSCENE

NADALAW ko ang shooting ng pelikulang 69 directed by Roe Pajemna under LDG Production to be shown in VMX.

Pagdating namin ay siya ring labas ni Mhack Morales mula sa isang kwarto na naka robe ng kulay asul.

“Katatapos lang ng bedscene ko , Tito”, sabi ni Mhack.

“Kaya pala amoy zonrox ka,” biro ko.

In fairness kay Mhack, kahit nilamutak na at dinilaan na ng kanyang ka bedscene na girl ang buong katawan, fresh na fresh pa rin ito at amoy baby.

Maswerte si Mhack dahil ratsada siya sa mga VMX movies, ratsada rin sya bilang orginal member ng Magic Voyz na kagagaling pa lang na mag show ng grupo sa Minolos, Barili, Cebu noong June 11.