Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
HINDI raw nais ni Sylvia Sanchez na madaliin ang pagkakaroon ng anak nina Arjo Atayde at misis nitong si Maine Mendoza.
Bukod sa kani-kanyang career, naka-focus daw muna ang mag-asawa sa bawat isa.
“Pinapabayaan ko yung dalawa. Wala pa, e.
“Hindi ko kinakausap kasi gusto nila ngayon i-enjoy muna nila yung buhay nila.
“Like si Arjo, ang sabi niya, ‘Mom, ayusin ko muna yung dapat kong ayusin, saka kami mag-anak.’ ‘Okay bahala kayo.’
“So, hindi na namin pinag-usapan.”
“Huwag muna sa ngayon. Pero hindi ko alam kung kailan.
“Basta sinasabi nila, two years, two years, e, di next year meron na. Hopefully, di ba?
“Basta ibinigay ko sa kanila yun.”
Lalo pa nga at si Arjo ay muling nahalal na Congressman ng First District ng Quezon City.
Kaya sa ngayon ay todo ang atensyon ni Sylvia sa una niyang apo, ang anak nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo.
“Yung pagpunta ko ngayon ng Europe, Doha, sa Qatar pa lang ha, sabi ko, ‘Maganda ito kay Sabino.’
“Tapos sabi ko, ‘Ay, nakalimutan ko may bunso pa pala ako, si Xavi.’ Ganun.
“Sabi nga nila, mas maraming pasalubong ngayon si Sabino.
“Kaya sabi ko kay Zanjoe at kay Ria, ‘Humanda kayo pag naglakad yan.
“Huwag kayong maniniwala pag sinabi niyong bawal tsokolate, huwag kayong maniwala sa akin pag sinabi kong hindi ko pinakain ng tsokolate.’
“Pero siyempre, hindi naman OA. Ganun naman ang mga lola, e.
“Pag sinasabi nila, ‘Naku, OA naman itong lolang ito, hindi sumusunod sa magulang.’
“Sino bang mga lola at lolo na hindi sumusunod sa mga magulang na pag bawal… e, lalo na pag iiyakan ka ng apo mo, di ba? Sa totoo lang, real talk.”
Unang apo nina Sylvia at mister nitong si Art Atayde si Sabino kaya hindi na kagulat-gulat na spoiled ang bata ngayon pa lang.
Bilang producer naman ng Nathan Studios, aligaga sina Sylvia at Ria dahil gumigiling na ang kamera para sa I’m Perfect na mula sa direksiyon ni Sigrid Andrea Bernardo na balak nilang isali sa Metro Manila Film Festival 2025 sa Disyembre.
Kasama sa cast sina Sylvia, Janice de Belen, Joey Marquez, at Lorna Tolentino, promise, naiiba ang paksa ng pelikula na tiyak na aantig kahit sa bakal na puso.
At siyempre , hoping sina Sylvia na muling makarampa sa red carpet ng Cannes Film Festival matapos ang experience nila sa Cannes Film Festival nitong May 2025.
Co-producer ni Sylvia si Alemberg Ang sa Japanese film na Renoir, na lumaban sa main competition ng Cannes.
Ipalalabas ang “Renoir” sa mga sinehan sa Japan sa June 20 at dito naman sa Pilipinas ay kasali ito sa QCinema Film Festival 2025 sa November.
May sisimulan na rin ang Nathan Studios soon na isa pang kakaibang pelikula, ang “Ria”.