Advertisers
Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Sampaloc, Maynila nitong Linggo, Hunyo 15.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog bago mag-alas-4:00 ng madaling-araw sa isang bahay sa Basilio Street.
Agad kumalat ang apoy kaya itinaas ito sa ikalawang alarma 4:39 ng madaling-araw at idineklarang fire under control 5:00 ng madaling-araw.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng BFP upang matukoy ang pinagmulan ng sunog.
Wala namang naiulat na nasugatan o nasawi sa insidente.(Jocelyn Domenden)