Advertisers

Advertisers

NGAYON TAHIMIK SILA

0 188

Advertisers

‘Tuloy ang Laban’ ang sabi ng Kabataan Partylist, nang matalo ito sa eleksiyon. Pero kasabay nito ‘Tuloy ang Katahimikan’ din ang utos nito sa kanilang mga miyembro dahil sa mga eskandalong nangyayari sa loob ng kanilang samahan.

Alam niyo ba kung anong iskandalo ito? RAPE case lang naman. Sino involved? Isang nagngangalang Maria Kara. Yan ang kanyang pangalan sa kanilang samahan sa Kabataan Partylist, labing-limang (15) taong gulang nang mapagsamantalahan ng kanyang lider sa unit ng New People’s Army (NPA) na kanyang kinabilangan matapos marecruit habang siya ay estudyante pa lamang at hinubog na maging militante at ginawang NPA fighter.

Iba ang pagiging militante, sa pagiging NPA fighter, pero iisa ang kinabibilangang bloke – ang Makabayan Bloc na sigaw nang sigaw ng karahasan na ginagawa raw ng pamahalaan.

Karahasan? Pamahalaan lang ba ang dapat batikusin sa usaping kaharasan? Kapag miyembro ba ng Makabayan Bloc ang naka-gawa ay katahimikan ang kasagutan?

Bakit ngayon, tahimik sila? Nagahasa ang isang inosenteng estudyante, hindi sila sumisigaw ng itigil ang karahasan at parusahan ang may gawa nito.

Kapag sila pala ang nakagawa ng karahasan, katahimikan ang kasagutan. Ganun ba yun?

Katahimikan din ang kanilang kasagutan sa kaso rin ng rape na dinanas ng isang labing-apat (14) na taon gulang na Lumad girl.

Pinagsamantalahan ng isang kadre ng Communists Paty of the Philippines (CPP) na nagpapanggap pang pastor ng UCCP Haran sa Davao City.

Imbes na abisuhan ang mga samahang Gabriela-SMR, Kabataan Partylist, at Salugpungan, ang kawawang biktima, ay sinalubong lamang ng nakabibinging katahimikan.

Sa parehong kaso ng panggagahasa na nabanggit ko, ang parehong kaawa-awang mga biktima ay di natulungan ng sinoman sa Makabayan Bloc, walang nakuhang hustisya man lang sa mga gumawa sa kanila ng karahasan.

Ito ay sa kabila na ang Makabayan Bloc, ay ayaw na ayaw ng karahasan, at laging binabatikos na ang ating Sandatahang Lakas at pamahalaan ang pasimuno o’ gumagawa ng karahasan sa kanila.

Ngayon, kayo na tanungin ko. Sino ang nagsasabi ng totoo?