Advertisers

Advertisers

Lazada suka ng milyon-milyon sa mga sinibak na rider, driver

0 16

Advertisers

Nakamit ng mga tinanggal na rider at driver ang hustisya sa kasong isinampa laban sa Lazada.

Sa ibinigay na update ng labor and employment lawyer Batas Manggagawa nitong June 15, sinabi nitong halos lahat ng mga nagkaso ay nanalo laban sa naturang e-commerce company.



Ibinahagi niya ang computation of monetary award ng National Labor Relations Commission para sa complainants kabilang na ang separation pay, final pay at iba pa na umabot sa milyon-milyong halaga.

“Noong nakaraang taon ay maraming mga rider at driver ang dumulog sa ating opisina para mag kaso laban sa Lazada. Karamihan sa kanila ay tinanggal sa trabaho o hindi binigyan ng schedule dahil sila daw ay hindi empleyado ng Lazada na pwede tanggalin kahit kailan nila gusto.

Halos lahat ng mga nagkaso ay panalo,” saad ng Batas Manggagawa sa kanilang post sa Facebook.

“Malinaw ang batas at jurisprudence – regular na empleyado ang mga rider at driver sa Lazada. Kung gayon ay hindi sila pwede tanggalin sa trabaho basta-basta.

“Maaari din ito i-apply sa ibang rider at driver ng ibang ride-hailing o deliver apps. Kailangan nyo lang tumindig at lumaban para sa inyong mga karapatan tulad ng mga Lazada riders at drivers,” dagdag pa nito.