Advertisers

Advertisers

Valenzuela LGU vs street gangs: 13 grupo idineklara persona non grata

0 19

Advertisers

KASABAY ng balik-eskwela nitong Lunes, pinaigting ng Valenzuela City Local Government ang kampanya kontra street gangs.

Kasunod ito ng pagtaas ng bilang ng mga estudyanteng nare-recruit ng mga gang na umaabot hanggang elementary students.

Ayon kay Mayor Wes Gatchalian, tinatayang 60 hanggang 70 percent ng mga paaralan sa lungsod ang naapektuhan ng street gang infiltration.

Sa ulat din ng Valenzuela PNP, sangkot ang mga gang hindi lamang sa vandalism, kung hindi pati sa karahasan at paggamit ng illegal na droga.

Dahil dito, paiiralin na sa lungsod ang City Ordinance No. 1262, Series of 2025, na nagbibigay ng “ngipin” sa kampanya laban sa mga gang.

Layon nitong protektahan ang mga kabataan laban sa panganib ng “30-second massacre” at “burns” o tattoo markings, na ginagamit bilang initiation rites ng mga street gang.

Nakapaloob din sa ordinansa ang mga parusa na sasagutin ng magulang kung mahuling sangkot ang kanilang mga anak sa mga aktibidad ng gang.

Dito, idineklara rin bilang Persona Non Grata ang 13 street gangs sa pamamagitan ng isang resolusyon na ipinalabas ng pamahalaang lungsod.(Beth Samson)