Advertisers
LIGTAS na na-repatriate o naiuwi pabalik ng Pilipinas ang 18 overseas Filipino workers (OFWs) na patungo sana sa Israel at Jordan.
Dumating ang mga repatriated OFW sa NAIA Terminal 1 sa Pasay City nitong Lunes, Hunyo 16.
Sa isang statement, sinabi ng Department of Migrant Workers (DMW) na na-stranded ang nasabing mga OFW sa Dubai dahil pansamantalang nakasara ang mga pangunahing paliparan sa kanilang pagtratrabahuang bansa sa gitna ng nagpapatuloy na sigalot sa pagitan ng Israel at Iran.
Inihayag naman ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na nakahanda silang tulungan at suportahan ang mga OFW na nais na umuwi ng bansa para sa kanilang kaligtasan at seguridad.
Tiniyak din ng kalihim gayundin ni OWWA Administrator Patricia Yvonne Caunan sa mga na-repatriate na OFWs na magbibigay ng full assistance at support ang gobyerno pagkadating nila dito sa bansa.
Kabilang na ang tulong pinansiyal, tulong pangkabuhayan at skills training enhancement para sa kanilang redeployment.