Advertisers
LUMALAKAS ang panawagan kay Pangulong “Bongbong” Marcos na barilin ang panukalang batas para sa pag-extend sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) at pagpalawig sa termino ng mga opisyales.
Napagkasunduan kasi ng Senado at Kamara na sa sunod na taon 2016 na gawin ang BSKE, sa halip na sa Disyembre 1 ng taon kasalukuyan na siyang ipinag-utos ng Korte Suprema matapos ang paulit-ulit na pag-e-extend sa BSKE.
Nais din ng Kongreso na gawin 4 years ang termino ng barangay officials na may tatlong reelections maliban sa SK.
Ang panukalang ito, na lumusot sa Bicamiral committee ng Kongreso at kasalukuyang nasa lamesa na ni PBBM, ay pinapalagan ngayon ng marami.
Oo! Nananawagan ang iba’t ibang grupo kay PBBM na tuldukan o i-veto ang naturang panukala ng Kongreso, ituloy ang itinakda ng Korte Suprema na BSKE sa Disyembre 1, at panatilihin ang 3 years term ng barangay at SK.
Kasi nga naman nagtatandaan na ang ibang opisyales sa puwesto, may higit isang dekada na! At ang ilang SK overaged na! Tapos palalawigin na naman???
Ano kaya kung ituloy muna ang election sa Disyembre at saka simulan ang panukalang 4 years term? Or katayin nalang ang naturang panukala, Mr. President?
Dahil ang 4 years term ay masyadong mahaba para sa mga batugan na opisyales, perwisyo pa sa komunidad. Mismo!
Say n’yo, mga pare’t mare?
***
HINDI sang-ayon ang ilang retiradong justices sa ginawa ng majority ng senator-judges (18 out of 24) sa impeachment case kay Vice President Sara Duterte sa pagbalik ng impeachment articles sa Kamara.
Say ni retired Supreme Court Chief Justice Artemio Panganiban: “The senator-judges, in my humble opinion, should not lawyer for any party. They should maintain their credibility as independent and unbiased judges. They should just await the pleadings or actions by the parties and decide them under their ‘inherent’ judicial power.”
Ganito rin ang sinabi ni retired Supreme Court Sr. Associate Justice Atonio Carpio. Sabi pa ni Carpio, unconstitutional ang ginagawa ng Senado na pagdribol at tangkang pagbasura sa impeachment case nang walang pagdinig.
Binira naman ng militanteng labor leader at lawyer na si Luke Espiritu si Senador Allan Cayetano sa ginawa ng huli na pag-remand o pagbalik sa Kamara ng impeachment articles, para sertipikahan kung ito raw ba ay legal at kung seryoso ba ito na ituloy ang impeachment.
“Ibabalik daw ang articles of impeachment sa House of Representatives…para tanungin ang HOR: ‘Kung ‘di ba ito illegal?’”
…Ito bang HOR magpa-file ng impeachment complaint kung naniniwala silang illegal at unconstitutional… at ito’y naipasa na sa Senado?
A’angan namang sasabihin ng HOR, ‘Ay… ‘di ko masabi, illegal yata?”
Ganun?
‘Yang si Allan Cayetano, if you strip… paabo-abogado.
Yung kanyang motion ay simpleng tanga!”
Malaki ang tama rito ni Atty. Luke! Ginagawa nga tayong tanga ng mga senador. Gusto lang nilang pigilan ang impeachment trial ni VP Sara ay ginagawa pa tayong bobo’t tanga.
Buwagin nalang ang Senado!!!