Advertisers

Advertisers

TAXI DRIVER NAG-OVERCHARGE SA PAMASAHE SA NAIA, PINAKANSELA ANG LISENSIYA, DAMAY PATI OPERATOR!

0 44

Advertisers

Ipinag-utos ni Transportation Secretary Vince Dizon ang pagkansela sa lisensiya ng taxi driver na nag-viral nang ma-videohan nang singilin ng P1,200 ang kanyang pasahero para sa biyahe mula Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 patungong Terminal 2.

Ayon kay Dizon, pinakansela rin niya ang prangkisa ng operator.

“Sinabihan ko na ‘yung LTFRB at LTO — i-revoke na ‘yan pareho, lisensiya ng driver tsaka ‘yung prangkisa ng operator,” saad ni Dizon.



Kuwento ng mga pasahero, nakita nila ang taxi sa labas ng airport at ang usapan nila ng driver ay gagamitin ang metro nito.

Umabot daw sa P1,145 ang kanilang binayaran kasama ang toll gate.

Saad naman ng nagpakilalang manager ng operator na Taxi Hub Transport na si Leonardo Domingo, wala silang binibigay na rate sa kanilang mga driver.

Sinasabihan din daw nila ang mga ito na bawal mangontrata.

Tukoy na rin daw nila ang sangkot na taxi driver at kung mapatunayang nangontrata ay tatanggalin nila sa trabaho.



Samantala, kinumpirma ng Department of Transportation (DOTr) na colorum ang taxi na pinapasada ng driver.

Ayon kay Dizon, natukoy ng LTFRB na expired na noon pang Marso ang provisional authority o prangkisa, hindi lang ang taxi unit sa viral video kung hindi buong fleet ng Taxi Hub Transport.

Kaya naman pati operator ng taxi, pananagutin din at inatasang isuko na ang plaka at mga unit na nagamit sa illegal na pamamasada.

Sa ngayon, pinoproseso na aniya ng Land Transportation Office (LTO) ang pagbawi sa lisensya ng abusadong driver at impounded na rin ang taxi unit nito.

Ayon kay Sec. Dizon, inatasan na rin nito ang LTO at LTFRB na magsagawa ng malawakamg crackdown laban sa mga taxi na naniningil ng sobra partikular sa mga airport, seaport at mga terminal.