Advertisers
Kinasasabikan na ng mga MANILENYO ang pag-upo nina Yorme Isko Moreno at Bise Chi Atienza bilang Alkalde at Bise-Alkalde ng Maynila.
Si Yorme at Chi ay malayong-malayong nagwagi laban sa kanilang mga katunggali noong May 12, 2025 mid-term election na kinokonsiderang isang landslide victory.
Labis na inaasahan ng mga MANILENYO ang malaking pagbabago sa lungsod sa bagong administrasyon nina Isko at Chie.
Kabilang sa mga inaabangan ng lungsod ng Maynila ang mga bagong department heads na itatalaga ni Yorme sa kanyang administrasyon.
Ang mga departamentong ito ang siyang mangangasiwa sa mga mahalagang aktibidad ng city hall na kanilang pamumunuan.
Ang mga departamentong ito ay pinangungunahan ng MPTB, DPS, Hawkers, Manila Health Department at ang aatasan niyang magiging Secretary to the Mayor na siyang papalit kay Bernie Ang.
Ilan sa mga matutunog na pangalan na siyang mamumuno sa mga departamentong ito ay sina Raffy Alejandro, Dennis Viaje, Carter at ilan pang personalidad na nagpakita ng gilas noong campaign period.
Maliban sa mga mamumuno, mahigpit din inaantabayanan ng mga MANILENYO ang mga sisibakin sa kanilang kasalukuyang posisyon na madiin ding pinangako ni Isko.
Ito ang mga taong naka-upo sa administrasyon ni outgoing Mayor Honey Lacuna. Isa sa mga taong ito na pinangalanan ni Yorme na unang-una niyang sisibakin ay ang asawa ni Honey Lacuna na si Toks Pangan.
Bukod sa mga department heads na uupo at sisibakin, inaasahan din ang malawakang balasahan sa hanay ng kapulisan dito sa lungsod ng Maynila na pangungunahan ng Special Mayor’s Action and Reaction Team (SMART).
Ipinapalagay ng marami na ang magiging batayan dito ay ang loyalty bet na kanilang ipina-kita noong lumipas na eleksiyon.
Sa bagong administrasyon, inaasahan at naniniwala ang marami na muling magiging progresibo, malinis at tahimik muli ang lungsod, “Manila Will Be Great Again”…