Advertisers
Ni Archie Liao
NAGING talk of the town ang bonggang kasal ng socmed influencer at artistang si Zeinab Harake sa basketball player na si Bobby Ray Parks, Jr.
Pero nabahiran ng kontrobersya ang okasyon dahil sa naging emote ng nagpakilalang nanay ni Zeinab na si Mariafe Ocampo sa social media.
Naurot kasi ng isang netizen si Mariafe kung bakit di siya imbitado sa kasal ng anak.
Sey naman niya: “ano po gagawin ko dpk sko pinsoasok sa gate nka banned po ako mahigpit na bilin ni seinsb sa mga coordinator po then sa headguard n sll guard po ksys uwe nlang po ako ano ggawin ko po piliyin yung gusrd nkipag usap na ngapo sa coordinator sa loob yung guard d po talaga ppasukin mother ni zeinab yun po utos ni zeinab sa knila okey npo ba ”
Umani naman ng samu’t saring reaksyon sa mga katkatera at sawsawera ang kanyang emote.
May mga namba-bash kay Zeinab sa diumano’y pag-itsapuwera sa ina.
May mga nagtatanggol naman sa YouTuber at nagsabing may malalim na dahilan kung bakit di imbitado ang Ina sa kasal ni Zeinab
Ito ang Ilan sa kanilang mga hirit.
“Dennis Padilla female version naman ang atake ni mudrabels dito”
“Bakit ndi invited?”
“Nahilo ako sa reply ni mader”
“Hala kawawa namn si Mudra, ano kaya story behind? Buti pa yung foreigner na tatay andun”
“Boomers pasok!”
“There are 2 sides of the story.huwag muna mag judge at Alamin Bakit Hindi siya pinapasok at wala siya sa kasal.we know naman na may dahilan Kaya antayin ko yung version nung kabila.”
“Grabe yung banned at hindi pinapasok. May ngawa ba krimen nanay nya at ginanyan ni zeinab.”
“Yong tatay yata di sila pwede in one place. Parang napanood ko kay Toni na interview nya. So siguro kahit sa kasal at pinili nya na ang tatay nya nandon.”
“baka may nangyari sakanila ng nanay nya lets not be quick to judge. there is always 2 sides of the story mag intay nalang tayo.”
“Moment ni zeinab yan. Ang dami na nyang pinagdaanang lungkot at iyak. Sana pinagbigyan nalang ang big day nya whichh is yang kasal nya.”
“For sure malalim pinag ugatan neto. Kase di naman siguro basta basta di papupuntahin ni Zeinab nanay niya samantalang yung nangiwan sakanila na tatay nya andun. Nanay nya kasama nya nung tumira sa kalsada. Baka nag inarte si mader at nagsabi sige di nako pupunta. Eto si Gen Z shempre maniniwala yan, edi wag. Di na uso kase ang nangsusuyo at namimilit ng taong umaayaw. Miscommunication lang siguro so for sure magkaka ayos din yan. Yun lang nga sayang wala mom nya sa mga photos”
Bukas naman ang pahinang ito sa panig ni Zeinab hinggil sa akusasyon ng ina.