Advertisers

Advertisers

Basta walang romansa… PRISCILLA OK LANG MAKATRABAHO ANG EX-MISTER NA SI JOHN SA PAGBABALIK-SHOWBIZ

0 11

Advertisers

Ni Beth Gelena

TULUY-tuloy na ang pagsabak muli ni Priscilla Meirelles sa showbiz ngayong pumirma na siya ng kontrata sa Viva.

Ayon kay Meirelles, handa na siya sa pagbabalik-showbiz emotionally, physically, at sa language.

Inamin niyang hindi niya kinunsulta ang separated husband-actor na si John Estrada tungkol sa pagpasok muli sa showbiz.

Open daw siyang makatrabaho ang estranged husband basta walang love scene.

Aniya, “I am not only prepared emotionally, but physically, emotionally, and in terms of language— magaling na ako. Confident ako.”

Ipinaalam naman daw niya ito sa anak nilang si Anechka.

“I did not consult but I did inform. Not because it is a career move, but because I brought my daughter with me… I did not consult or ask for permission,” saad ni Priscilla.

Kwento pa niya, nais ni Boss Vic del Rosario na makilala si Anechka kaya isinama niya ito sa kontratahan.

Sa kabila ng hiwalayan nila ni John, nananatiling civil ang kanilang relasyon at maayos ang kanilang co-parenting para sa kapakanan ng kanilang anak.

“There is no bad blood between us. When it comes to what he is doing with his life and what I am doing with my life, there are boundaries placed. I respect that because I am the one who placed it,” esplika ni Priscilla.

Willing ba siyang makatrabaho ang dating asawa?

“Why not gusto ko yung sampalin ko siya. ‘how dare you?’ ganon,” pabirong sabi niya.

Si Priscilla ay isang Brazilian beauty queen na kinoronahang Miss Earth 2004.

***

POST NI ENCHONG DEE KAY ERICH GONZALES MAY DOUBLE MEANING

BINATI ni Enchong Dee si Erich Gonzales ng ‘Happy Independence Day.’

Palaisipan sa netizens kung bakit paglaya ang kanyang pagbati.

Kaya ang tanong ng netizens, “Bakit single na ba ulit si erich?”

Sansala naman ng isang commenter, “No. Ang gusto ata sabihin ni enchong is pinapalaya na nya ang dati nyang ka LT na si erich”

“Baka pwede na syang lumabas labas para maki bonding sa kaibigan kasi mula nung kinasal parang wala ng sighting sa kanya”

“Mukhang pinayagan na sya ni hubby magbalik showbiz”

“I hope it doesn’t have a double meaning.”

“I don’t know but I have a hunch that it has a double meaning.”

Napatanong naman ang isang commenter, “Hiwalay na?”

“Oh no, wag naman sana break up to ni erich”

“Ano pinaglalaban ni Enchong? Di ba sya nahihiya sa asawa ni Erich?”

“Mag bff yan sila at never sya magiging threat sa asawa ni Erich.”

“teh it’s not about being a threat. Medyo careless ang post kasi netizens will assume na something’s wrong between Erich and husband. Gets mo ba? Check mo comments sa taas.”

“Gulo nito ni enchong. Kaya ka nadedemanda eh.”

“Naalala ko dati na sa una hindi sila magkasundo, ngayon bff na. Pero iwasan niya mag joke at baka sabihin ng iba na may problema sa marriage ni Erich.”

“Baka ibig sabihin ni Enchong, happy independence day kahapon, June 12. Just saying.”

“baka pinayagan na ni husband na mag-showbiz. feeling ko gusto rin naman bumalik ni gurl since it’s also her own way to be fulfilled when it comes to her career. either way, yun na lang isipin ko kaysa nega.”

***

CATRIONA GRAY NAGULAT NA MAY MEANING ANG FOLLOW-HAN NILA NI MAYOR VICO SOTTO

NAPA-reak ang Miss Universe 2018 na si Catriona Gray hinggil sa pagkaka-link ng name niya kay Pasig Mayor Vico Sotto.

Hot topic ang dalawang personalidad nitong mga nakaraang araw dahil sa pag-follow nila sa isa’t isa sa Instagram.

Nabigyan kasi agad ng meaning ang pag-follow-han ng dalawa.

Dahil pareho nga namang single at hindi pa taken kaya nabigyang kulay ito ng netizens.

Sa totoo lang marami ang kinilig sa kanila.

Sa nakaraang interbyu kay Catriona, natanong siya about Mayor Vico.

Natawa ang former beauty queen, hindi raw niya ini-expect na ganoon ang mangyayari.

Wika niya, “Nagulat din ako. Hindi ko nga inexpect na may meaning na ganyan. Followan lang. Mutuals lang.”

Natawa rin siya dahil nagawan sila ng dubbed name ng netizens na “Vi-Cat.”

“Hindi ko talaga inexpect, basta,” pakli niya.

Samantala, si Mayor Vico naman ay hindi pa nakukuhanan ng pahayag tungkol sa pagkaka-link nila ni Cat sa isa’t isa.

***

JUDAY PROUD KAY YOHAN

PROUD na ibinida ni Judy Ann Santos ang cover ng anak na si Yohan, ang This Is Me.

Sa Instagram ay ni-repost ni Juday ang bagong account at channel ng kanyang anak na si Yohan Jams, ang nasabing page at channel ni Yohan.

Ipinamalas ng aktres ang labis na pagmamalaki bilang isang ina matapos i-promote ang bagong YouTube channel ng panganay nilang anak ni Ryan Agoncillo.

Sa kanyang Instagram account buong saya niyang ibinahagi ang unang video ni Yohan — isang cover ng kantang This Is Me na unang narinig sa 2017 hit movie na The Greatest Showman.

“And just like that… Yohan’s YouTube journey begins. Starting off with This Is Me from The Greatest Showman — a song that means a lot to her and felt like the perfect way to kick things off. Thank you in advance for listening. Hope it reaches you in the best way!” touching caption na nilagay ng aktres.

Hindi rin napigilan ni Juday ang kanyang emosyon at agad niyang ni-repost ang video ni Yohan sa kanyang Instagram story.

Kalakip nito ang very proud na mensahe ng pagmamalaki at suporta: “Baby girl doing what she loves most… proud of you, my love… @yohanjams. This is Yo!”

Agad naman na umani ng papuri mula sa netizens ang performance ni Yohan.

“OMG! Ate Yo! Fighting sa new journey!”

“Ang lamig ng boses ni Ate Yohan, super nice. “Super galing and talented! I love your voice, Ate Yo.”

“Request please, sana Rewrite The Stars ang next, hehe.”

“Her very own Insta and channel and may cover pa nga! Rooting for you, Ate Yo!”