Advertisers
HINDI basta-basta ang naitalang record ni Billiards Legend EFREN ‘BATA’ REYES sa Philippine Sports. Mahigit 100 International Titles ang naihandog niya sa Pinas at siya ang first ever billiards player na nagbulsa ng WPA World Championship sa dalawang pool disciplines.
Marami pang panalo si ‘BATA’ matapos ang kanyang international stint bilang Billiards King at tulad ng mithi na sana ay manatili ang inspirasyon sa puso ng mga Pinoy sa kanyang record, nanatili siyang Billiards Champion na pilit tinutularan. Madalas pa rin maaimbitan si ‘BATA’ sa ilang Billiards event, malaki o maliit, na marangal niyang pinauunlakan. Nitong June 21, lumaban si BATA sa Porac Pampanga, kalaban si JUN DELA CRUZ, unfortunately lost sa score na 19-15, Hindi pala binayaran ng kanyang manager, tinabla ang isang EFREN BATA REYES? Sa bunton ng panalo nung nakaraan, puro kabig ang manager,’ minsan matalo, okay lang ba na walang bayad? Viral ito sa social media pero wala pang pahayag ang Biilliards icon at manager.
Gamit na gamit ang Billiards King, pero mukhang kulang sa pangangalaga ang mga nakikinabang. For a throwback, September 2022, pinasok ng ilang nakasibilyang awtoridad ang isang kabubukas na bilyaran sa Sto. Tomas, Batangas, isa sa mga guests si Philippine Billiards icon EFREN ‘BATA’ REYES. Lumabag umano sa health protocol at nagpustahan ang mga manonood. Katutumbok ni ‘BATA’ vs CHARLIE “LAPUK’, biglang pasok ang awtoridad, nagtakbuhan ang marami at dinampot ang iba. Inimbitahan sa presinto si BATA pero agad pinauwi. Paliwanag ni REYES di nya alam na nagpupustahan na ang mga nanonood. Ganun lang imbitahan ang isang tinititingalang Sports icon? Gising!
LEX EALA, MULING HUMIRIT
Patuloy ang laban ni Pinay Tennis Star ALEXANDRA ‘ALEX’ EALA, tinalo si VALENTINA RYSER ng Switzerland sa end of Round 16 ng WTA 125 llkley Open sa United Kingdom. Advancing na sa quarterfinals, bawi siya kay RYSER na tinalo siya earlier this year. Bagong inspirasyon ito at pampagana sa kanyang 2025 campaign. Asahan ang takbo ng bawat laro sa win-loss tries pero dapat po nating mas ipakita ang suporta, manalo o matalo. Hindi biro ang effort at tiyaga ng bawat atleta para umangat para sa bansa bukod sa sariling pangarap, di po ba?
For an update, ranked World No. 73 si EALA from rank#75 sa WOMEN’s TENNIS ASSOCIATION (WTA) as of April 2025. It may be recalled na nalaglag from rank#69 to #73 ang 20 y/o Tennis Star sa pinagdaanang successive losses pero determinadong pagtibayin ang posisyon niya sa World rankings. Subaybayan po natin at suportahan ang Philippine Sports!
JUNE HEYDAYS
HAPPY BIRTHDAY to Sir RAMON ‘RAM’ GONZALES (MPNAG Faculty, Mandaluyong City), to Mam TEZ NAVARRO, PIO Head, Muntinlupa LGU, to LUCITA SARABIA (Valenzuela City), to FRANCIS ORTIZ of Calgary, Albert, Canada and to MERLY ERAGA (Mandaluyong City). More birthdays to come and Best blessings! HAPPY READING!