Dennis pinatulan ang bashers ng anak ni Jennylyn kay Patrick; KathDen at KimPau pararangalan ng Box Office Ent. Awards
Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
DAHIL ang pelikula nilang Hello, Love, Again, na sequel ng Hello, Love Goodbye, ay kumita ng 1.6 billion sa takilya noong ipalabas ito sa mga sinehan last year, kaya naman sina Kathryn Bernardo at Alden Richards ay gagawaran ng award bilang Phenomenal Box Office King and Queen sa gaganaping 53rd Box Office Entertainment Awards.
Ang awarding ceremony ay gaganapin sa Sabado, June 28, sa CPR Auditorium/RCBC Building, Ayala Avenue, Makati City.
Bongga ang KathDen, huh! Last year kasi ay sila rin ang pinarangalan bilang Box Office King and Queen sa Box Office Entertainment Awards, pero sa magkaibang pelikula.
Si Kathryn para sa pelikulang pinagbidahan niya na A Very Good Girl while si Alden naman ay para sa pelikulang pinagtambalan nila ni Julia Montes na Five Breakups and A Romance.
Ang tanong, dumating kaya pareho ang KathDen sa awards night? May mga balita kasi na hindi sila in good terms ngayon. Sa isang fashion show nga na dinaluihan nila rati ay sinasabing hindi sila nagpansinan.
Well. abangan na lang natin kung pareho bang darating ang Kathden sa Box Office Entertainment Awards.
Bukod sa KathDen, wagi rin sina Kim Chiu at Paulo Avelino sa nasabing award giving body bilang Most Popular Loveteam of Philippine Entertainment..
In fairness, mainit ngayon ang loveteam ng KimPau. Talagang sikat na sikat ngayon ang kanilang tambalan, na nagsimula sa Linlang, na sinundan ng What’s Wrong With Secretary Kim.
At pagkatapos ng dalawang serye na ginawa nila, binigyan naman sila ng pelikula ng Star Cinema titled My Love Will Make You Disappear, na naging blockbuster sa takilya noong ipalabas ito. Kaya naman pararangalan nga sila bilang Most Popular Loveteam of Philippine Entertainement.
Congrats KathDen at KimPau.
***
HINDI nakatiis at pinatulan ni Dennis Trillo ang ilang bashers na nagkomento tungkol sa panganay na anak ng kanyang asawang si Jennylyn Mercado sa dating karelasyon na si Patrick Garcia, na si Alex Jazz.
Binarag ni Dennis ang mga netizens na naging insensitive sa health condition ni Jazz.
Nag-post kasi si Jen sa kanyang social media page nitong Linggo, June 22, ng isang video kung saan mapapanood ang bonding moments nila ng mga anak nila ni Dennis na sina Alex Jazz at Calix sa isang mall.
Si Calix ay 17 years old na anak naman ni Dennis sa dati niyang partner na si Carlene Aguilar.
Say ni Jennylyn sa caption ng kanyang Facebook at Instagram post, “Spending the day with my boys, discovering wonders and picking up some cool stuff at the National Geographic store.”
Kasunod nito ay may mga netizen nga na nagkomento tungkol kay Jazz. Reaksyon ng isang FB user, “Parang may autism anak ni Jen.”
Sinagot naman siya ni Dennis ng, “May problema po ba kayo sa may autism?”
Pansin naman ng isa pang netizen sa kilos ni Jazz, “Parang malamya.”
Bwelta ni Dennis sa kanya, “Wow hiyang-hiya naman ako sa pagmumukha mo.”
Alam naman ng publiko na na-diagnose si Jazz ng Autism Spectrum Disorder o ASD na ayon sa isang heath website ay isang “neurodevelopmental condition” na karaniwang lumilitaw sa maagang bahagi ng pagkabata.
Ang mga batang may ASD ay maaaring magkaroon ng pagkakaiba sa komunikasyon, pakikipag-ugnayan sa ibang tao, at pag-uugali.
Mababasa rin sa FB page ni Jennylyn ang comments ng netizens na nagtatanggol sa Kapuso celebrity couple at kay Jazz.
Comment ng isang netizen,“Sa panahon ngyon bkit tinitignan na ng tao kung my diperenxa o wala ang isang tao hndi ba pedeng pnty nlng ntin tignan at norml lng ntin tignn, hndi nmn cgro kwalan sa inyo mging mbuting tao kung wlaang mgndang ssbhn srilinin nyo nlng.”
Tama nga naman itong netizen sa kanyang comment, ‘di ba? Huwag na sanang magko-comment kiung makakasakit din lang naman.