Advertisers

Advertisers

KANDIDATA NG PINAS 10 BANSA ANG HAHARAPIN SA MISS SUPERMODEL WORLDWIDE 2025

0 40

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

NGAYONG Huwebes ng gabi, June 26, ay haharapin ni Charyzah Barbara Esparrago ng Pilipinas ang sampung kandidata mula sa iba-ibang sulok ng mundo upang sungkitin ang korona bilang Miss Supermodel Worldwide 2025.

Malaking hamon ito kay Charyzah dahil ang reigning o 2024 Miss Supermodel Worldwide ay isa ring Pilipina, si

Thea Judinelle Casuncad ng Laguna.

May pressure ba kay Charyzah na makapag-back-to-back win ang ating bansa?

“Thea is such a wonderful model. So these are really big footsteps to follow.

“It’s a lot of pressure but that pressure will make me work harder, train more, and hopefully do my best on that stage to bag that crown,” nakangiting sinabi ni Charyzah.

Ang sampung makakalaban ni Charyzah ay sina Joseline Pando ng Ecuador; Ruth Yirgalem Weldesilasie ng Ethiopia; Shelito Kim Gallego ng Hawaii; Tiffany Fernandes ng India; Gulsiia Aidarovna ng Russia; Olwethi Tembe ng South Africa; Ju Won Bak – South Korea; Maria Leslyn Numilla ng Spain; Joy Mwangi ng USA; Charmyn KC Sierra ng Vietnam.

Gaganapin ang grand coronation sa grand ballroom ng Okada Manila.

Si Sandeep Kumar ang may-ari at Presidente ng Rubaru Group India na founder at International Pageant Director ng Miss Supermodel Worldwide.

Katuwang niya si JJ Maghirang III na International Creative Director ng MSW.

Samantala, ang Velvet Media, Inc. ang Philippine Franchise Owner ng MSW.

Binubuo ito nina Jhovs Medico (Managing Partner); Mae Maghirang (Finance and National Director); at Michelle Perez (Operations Director).

Ang Miss Supermodel Worldwide Core Team naman ay binubuo, bukod kina Mr. Kumar at Mr. Maghirang III, nina Reygie Rodriguez (Lead Hair & Make-up Artist); at John Henry Cabezas (Photography and Videography Lead).

Ilan sa mga sponsors at partners ay ang Department of Tourism, SMDC, Okada Manila, at Manila Prince Hotel. Official partners naman ang Philippine Wacoal, S5.Com, SKINdough, at Globaltronics.

May interes din ba si Charyzah na pasukin ang showbiz?

“I would love to! That’s something I’ve always wanted to do.

“I actually have been doing plays and acting workshops so if the opportunity arises you know where to find me,” tumatawang wika pa ni Charyzah.

May plano ba siyang sumali sa Miss Universe Philippines sa susunod?

“Oh, I don’t know, that’s up to the stars, that’s up to God.”

Tinanong namin si Charyzah kung ayos lang sa kanya na sa halip na sa ibang bansa niya ire-represent ang Pilipinas ay dito nga?

May mga paniniwala ang iba na malabong manalo ang isang kandidata sa sarili niyang bansa upang maiwasan ang sinasabing hometown decision.

“I am so excited for the international pageant to be here in the Philippines because this is an opportunity for our tourism.

“This is a great chance to showcase our local fashion designers, our creatives, our photographers, makeup artists, hairstylists, they bring the beauty in beauty pageants and the art and modeling.

“So Philippines it is, right?”

Ipinanganak sa Pilipinas sa Mandaluyong, dalawang taong gulang si Charyzah noong manirahan sila ng kanyang pamilya sa Chicago sa Amerika; bumalik sila sa Pilipinas noong 17 years old na siya.

Kapwa Pilipino ang mga magulang ni Charyzah, taga-Cebu ang ina niya at taga-Masbate ang kanyang ama.