Advertisers

Advertisers

KYLIE AT MARIEL WALANG TENSION ANG RELASYON KAHIT DI TUNAY NA MAG-INA

0 36

Advertisers

Ni Beth Gelena

MAY inamin si Kylie Padilla tungkol sa relasyon niya kay Mariel Padilla, ang wifey ng ama niyang si Senador Robin Padilla

Nangangamba ang Kapuso aktres na baka umano maiugnay sa kanyang personal na buhay ang tema ng bago niyang serye sa Kapuso network.

Tumatalakay kasi ito sa pagtataksil at sirang relasyon ng mag-asawa.

Nilinaw niya na malayo ito sa tunay na kalagayan ng kanyang pamilya, lalo na sa mabuting relasyon nila ng stepmother na si Mariel.

Aniya, si Mariel ang madalas niyang takbuhan at pinaglalabasan ng sama ng loob kapag may pinagdaraanang problema.

Ayaw na kasi niyang madagdagan pa ang problema ng ama sa senado.

Iniingatan niyang makadagdag pa sa dinadala ng ama kaya si Mariel ang kadalasang nilalapitan niya para sa emosyonal na suporta.

Aminado ang aktres na may pangamba siyang nararamdaman para sa kanyang bagong proyekto sa GMA.

Bagamat sensitibo ang pamagat ng show, sinabi niyang hindi ito dapat iugnay sa personal niyang buhay lalo na sa kanyang pamilya.

Kabaligtaran daw ng drama ang ugnayan nila ni Mariel.

“Sumbungan ko siya. Sa kanya ‘ko nagsusumbong when I have a problem. Kasi, ayokong madagdagan ‘yung problem ng dad ko, so kay tita Mariel na ‘ko dumidiresto. Almost everything na kailangan ko ng tulong, I ask her.”

Hindi na bago sa publiko ang pagiging open ni Kylie pagdating sa mga personal niyang saloobin. Ang kanyang relasyon kay Mariel ay isang patunay na hindi palaging may tensyon sa pagitan ng “step-relations”— sa halip, puwede itong maging source of strength.

Naging bukas din ang aktres tungkol sa estado ng kanyang puso.

Inamin niyang kasalukuyang tahimik at pribado ang aspeto ng kanyang love life, ngunit masaya siya sa kung ano man ang meron siya ngayon.

***

KARAKTER NI DAVID AYAW IPATSUGI NG NETIZENS

ANG daming nagtatanong na netizens, mawawala na nga ba si David (McCoy de Leon) sa Batang Quiapo? (Opo pinatay na si David sa BQ)

Sa episode kasi nitong nakaraang Ssbado ay naiba na ang karakter niya bilang isang masamang kapatid kay Tanggol ( Coco Martin).

Naging mabait na siya sa kanyang kapatid.

Ang siste ay nasaksak siya ng mga tauhan ni Miguelito (Jake Cuenca).

At sa huli ay pinakitang yakap-gakap siya ni Tanggol.

Bumaha ng komento sa FaceBook Page kung saan marami ang nagsasabing huwag patayin ang karakter ni David.

“Kc noon napaka Bad ni David, eh ngayon nagbago at bumait na si David, kya sana wag sya mamatay para magka sama sama pa sila ni tanggol at santino”

“kasi nag bago na siya kaya sana wag ma wala Jan babawi muna sa kuya tangol niya”

May umaasa pang “sana madala pa sa Hospital at maagapan.. tagal naman mag 8pm” (Hahaha excited much)

“Noon yun Kasi salbahe sya at may napatunayan n sya n magaling syang kontrabida pero now Yung Isang bida nMn nya Ang dapat nyang ipakita ung pagiging mabait na tao Kapatid at anak un mag gusto nMn Makita Kay David at syempre ung tandem nyong tatlong mgkakapatid santino David at tanggol ung mgkasama Sama kayo n lumalaban at walang mawawala Isa MN s Inyo hangang s hule”

“Magaling nmn tlga c David…pang best actor Ang datingan at super nakuha nya Ang inis ng taong bayan kaya nakakalungkot mawala sya sa BQ”

“Mas magaling siyang kontravida kaysa kay Jake Cuenca”

“Wg nio sya alisin kc malaki dn ambag nya sa ratings nio”

“Hindi muna sya dapat alisin, npakagaling nyang artista, isa syang malaking kawalan sa Batang Quiapo, more power to you Macoy De Leon”

Pero may mga netizens na humihingi rin ng hustisya para sa mga babaing napatay ni David.

Tulad kay Camille (Yuki Takahashi) kung saan buntis eto at dinadala ang anak niya na kanyang pinatay.

Sa naging asawa niyang si Catherine (Ara Davao) siya rin ang pumatay para sa kanya mapunta ang lahat ng kayamanan ng Caballero.

Si Bubbles (Ivana Alawi) ay pinatay rin niya dahil sa utos ni Dona Bettina (Tessie Tomas) at si Attorney Vera Saldivar (Maila Rivera) na sa kasamaang palad ay siya ang nabaril nang nag-aagawan sila ng baril ni David.

Sana raw mabigyan muna ng hustisya ang mga babaing napatay ni David lalung-lalo ang karakter ni Camille.

Suggestions ng netizens huwag munang tsugihin si David.

Para maipakita raw nito na bumait na ang kanyang karakter at pagbayarin muna sa mga babaing napatay niya.

***

Gusto uling maghost sa next season
GABBI NALULUNGKOT SA NALALAPIT NA PAGTATAPOS NG PBB CELEBRITY COLLAB

EMOSYUNAL na nagbahagi si Gabbi Garcia hinggil sa nalalapit na pagtatapos ng PBB: Celebrity Collab.

Tweet ng Kapuso aktres, “3 am thoughts. Iniisip ko pa lang na matatapos na yung PBB season na ‘to, nasasad na ko.”

“Hosting this show became such a core memory. ‘Di lang siya trabaho, it’s a journey that gave me growth, purpose, and so much heart,” aniya pa.

Ayon pa sa Kapuso aktres, napaka-meaningful sa.kanya.na maging isa sa host ng PBB dahil milestone daw iyun sa kanyang career.

“Sana magkaroon pa ng chance to host another season, kasi grabe na yung attachment at pagmamahal ko sa show na ‘to,” pag-amin niya.

Nagbigay din si Gabbi ng heartfelt message sa fans ng reality show. “Thank you din sa PBB fans sa pag tanggap sa’kin.”

Komento ng netizens: “Sa lahat ng bagong host ikaw lang ang deserving maging mainstay host ng pbb. And mas na-bet-an kita dahil sa pbb stint mo. I hope to see more of you, hindi sa cheap serye but hosting primetime shows..”

“I really like her. Magaling mag host. Actually silang 2 ni Khalil, i like them. Marespeto at matulungin sa mga magulang nila at magaling humawak ng pera. Kaya blessed”

“Aww kung kelan naman na hook ako.. naging fan ako ng dustbia, hehe.. nakakawala homesick dito sa Canada..”

‘Ako din… silent fan nila ko..sa pamilya namin puro dustbia”

“Sayang matatapos na pala”