Advertisers
NAGBULSA ng tig- isang silver medal ang tatlong Filipino habang ang isa ay inangkin ang bronze sa Thailand Open Track and Field Championships sa National Athletics Center sa Pathumthani.
Inangkin ni Carlos De Imus ang unang silver medal ng Pilipinas Lunes matapos malagay sa second sa men’s 10,000-meter (m) race walk.
Imus ay may oras na 46:19:33 sa event.
Gayundin si Junel Gobotia na nagtapos econd sa men’s 3000-m steeplechase para makamit ang kanyang silver, sa oras na 9:22.11.
Sa distaff side ng parehong event, nakupo ni Joida Gagnao ang kanyang silver sa oras na 11:52:32.
Samantala, binulsa ni Clinton Bautista ang bronze medal sa men’s 110-m hurdles matapos tawirin ang distansya sa 14.21 seconds.
Ronne Malipay at Harry Diones ay nakatakda na sumabak sa men’s triple jump final, habang sina Ana Espenilla at Evalyn Palabrica lalaban sa women’s javelin throw.