Advertisers
TAHASANG nagbabala si Sen. Panfilo “Ping” Lacson na magiging kahiya-hiya ang Senado kapag agad ibinasura ang impeachment case ni Vice President Sara Duterte ng walang paglilitis.
Ayon pa sa nagbalik na senador, karagdagang kahihiyan para sa Senado kung babaligtarin ng Korte Suprema ang desisyon ng Senado bilang impeachment court.
Malinaw naman, idiniin ni Lacson, na ang tanging ibababa na hatol ng mga senator-judge ay inosente o guilty si Duterte sa mga paratang sa kanya.
Ito lamang aniya ang desisyon na hindi maaring kuwestyunin kaysa sa inilulutang na motion to dismiss.
Hinimok ni Lacson ang mga kapwa senador na dapat ay umakto bilang mga hukom at hindi bilang miyembro ng panig ng prosekusyon o depensa.
Nagbabala rin ang senador na nagbabantay sa kanila ang taumbayan.