Advertisers
Arestado ang isang babae na dadalaw lamang sa loob ng Caloocan City Caloocan City Jail nang magtangkang ipuslit na maipasok ang dalang iligal na droga nitong Linggo, June 29, 2025.
Sa ulat na ipinarating kay Northern Police District Director PBGen. Arnold E.Abad ni Caloocan police chief PCol. Joey Goforth, nagsasagawa ng routine search ang Duty Seizing Officer ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), nang isang plastic sachet na naglalaman ng 45 grams ng shabu atdalawang sachets ng 35 grams ng marijuana ang nakuhang nakatago sa katawan ng suspek.
May pinagsamang Standard Drug Price (SDP) na P310,000 ang nakumpiskang droga na naganap sa pasukan ng piitan na matatagpuan sa Talimusak corner Tanigue Streets, Kaunlaran Village, Dagat-Dagatan, Caloocan City.
Itinurn over ang suspek sa Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Caloocan City Police Station para sa kasong isasampa sa Caloocan City Prosecutor’s Office.(Beth Samson)