Advertisers
MISTULANG manok na nilaslasan ng leeg ang isang misis ng kanyang mister dahil sa selos habang ginagamot sa ospital ang huli nang maglaslas ito sa leeg nitong Lunes, Hunyo 30 ng taon, sa bayan ng Norala, South Cotabato.
Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktimang si Gigi, habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang mister nitong si alyas Lar na kapwa residente ng Barangay San Miguel, Norala.
Batay sa report ng South Cotabato Police Provincial Office, naganap ang krimen sa loob ng bahay ng mag-asawa.
Sa paunang imbestigasyon, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-asawa hanggang sa kumuha ng patalim ang mister at nilalas ang leeg ng misis.
Nang nakita ng mister na nagkikisay ang misis at naliligo sa sariling dugo, nilalas narin nito ang kanyang sari-ling leeg.
Nakita ng kanilang mga kamag-anak na kapwa du-guan ang mag-asawa, kaya’t pinagtulungan nila itong dalhin sa ospital subalit idineklarag dead on arrival ang misis.
Naka-hospital arrest ang mister na nahaharap sa kasong parricide.