Advertisers
INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bagong talagang Bureau of Customs (BOC) Commissioner na si Ariel Nepomuceno na paigtingin ang kampanya laban sa smuggling.
Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na nagsisimula na mas matinding laban ng gobyerno laban sa mga nagpupuslit ng mga kontrabado.
Una nang iginiit ng Palasyo na pagpapalakas sa border protection at laban kontra smuggling ang naging marching orders ni PBBM kay Nepomuceno.
Pinalitan ni Nepomuceno si Bienvenido Rubio bilang BOC chief isang buwan matapos manawagan si Pangulong Marcos sa mga miyembro ng kanyang gabinete at sa mga pinuno ng mga ahensya ng pamahalaan na maghain ng courtesy resignation.
Si Nepomuceno ay dati nang nanungkulan sa BOC bilang assistant commissioner ng Post Clearance Audit Group mula December 2017 hanggang April 2018 at deputy commissioner ng Enforcement Group mula December 2013 hanggang February 2017. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)