Advertisers

Advertisers

P20 per kilo na bigas mabibili na sa palengke – Malakanyang

0 14

Advertisers

SINIMULAN na ang pagbebenta ng P20 halaga ng bigas sa ilang pampublikong pamilihan sa bansa.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglulunsad ng “Benteng Bigas, Meron Na!” program sa Zapote Public Market sa Bacoor City, Cavite.

“Alinsunod ito sa panawagan ni pangulo na palawakin pa ang sakop ng P20 rice program ng administrasyon. Hangad ng gobyerno na magkaroon ng sapat na pagkain sa hapag-kainan ng bawat Pilipino,” ayon kay Presidential Communications Undersecretary Claire Castro.



Layon ng bagong programa na mas maraming mahihirap na pamilyang Filipino ang makabili ng murang bigas.

Sa higit isang buwan simula noong Mayo na pagbenta ng murang bigas, umabot na sa 804,000 kilo ang naipagbili sa senior citizens, solo parents, persons with disabilities, mga mahihirap na pamilya at minimum wage earners.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">